MANNY, SA MURANG EDAD NAGING BREAD WINNER, DOBLE KAYOD PARA MATUSTUSAN ANG PAMILYA

MANNY, SA MURANG EDAD NAGING BREAD WINNER, DOBLE KAYOD PARA MATUSTUSAN ANG PAMILYA

“Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako.” Isang linya na nagmula sa batang si Manny. 

Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating kinabukasan. Ngunit papaano ito mangyayari kong marami sa ating kabataan ang walang pinag-aralan? Ito ay isang napakalaking suliranin ng ating pamahalaan at mga magulang.

Ang normal na pamumuhay ng isang bata ay ang mag-aral, maglaro, kumain ng masustansya, may maayos na tirahan, damit at may nag-aalaga at nagmamahal na pamilya. 

Credit Photo:GMA Public Affairs


Subalit hindi iyan ang nararanasan ng maraming kabataan sa ating bansa. Isa na rito ay ang batang si Manny na taga North Caloocan. Sa murang edad ay sa kanya na umaasa ang pamilya.

Ang kanyang ama kasi ay baldado na. At ang kanyang ina naman ay mayroong tuberculosis. Sa pamamagitan ng pagtitinda ng tabo, walis, at kong ano-ano pang gamit sa bahay ang nilalako ni Manny tuwing umaga at sa hapon hanggang gabi naman ay nagtitinda siya ng balut.

Credit Photo:GMA Public Affairs

Sa hanap-buhay na iyan binubuhay niya ang kanyang pamilya at naging breadwinner si Manny sa napaka-batang edad. Hindi naman niya alintana ang pagsusumikap upang may maitustus sa gamot at mairaos ang pang-araw-araw na pamumuhay. 

Dahil sa kahirapan ng buhay ay isinantabi na lamang niya ang paglalaro at pag-aaral. Walang mapagpipilian ang batang Manny kundi harapin at labanan ang kahirapan. Nakakaawa man pero isang dakilang bata si Manny. Doble kayod para sa pamilya. 

Credit Photo:GMA Public Affairs

Isang inspirasyon si Manny, lalo na sa mga kabataan na hindi binibigyan ng halaga ang edukasyon sa kabila na mayroon silang mga magulang na kayang suportahan ang pangangailangan nila. Noon pa man ay problema na ito ng bansa natin. Sana ay unti-unting mabawasan pa ang kagaya ni Manny na nakakaranas ng salat sa buhay. Saludo kami sa kadakilaan ng isang batang breadwinner.