ISANG BATA, MASIPAG NA NAG-AARAL SA GILID NG KALSADA

ISANG BATA, MASIPAG NA NAG-AARAL SA GILID NG KALSADA

Halos dalawang taon na ang pakikiharap natin sa pandemya gawa ng covid-19. At hanggang ngayon ay patuloy tayo sa pagharap sa new normal. Isa na sa labis na apektuhan ay ang ating mga mag-aaral.

Hindi pa nanumbalik ang regular classes sa mga paaralan kaya naman ay modular at online class ang ginagawa sa ngayon. 

Pero may isang bata na labis hinangaan ng netizen dahil sa pagpupursige nitong mag-aral kahit nasa gilid ng kalsada.

Si May Bayagas nasa limang taong gulang. Kasama ang ina niya na umaalalay sa kanyang pag-aaral. Napag-alaman na wala palang tirahan kundi sa pedicab lamang na ginagamit din ng pamilya niya sa pangangalakal ng basura bilang hanap-buhay ng mag-anak. Kasama ni May ang mga magulang at nakababatang kapatid. 

Credit Photo:Unang Hirit/GMA News

Mula sa malayo ay makikita ang pagsusumikap ng batang si May. Pinagkalooban si May ng programang Unang Hirit ng mga kagamitan para sa pag-aaral at grocery items din para sa pamilya nila. Lubos ang pasasalamat nila dahil napakalaking tulong ang natanggap para sa pang-araw-araw, lalo na sa pag-aaral ni May. 

Credit Photo:Unang Hirit/GMA News


Isang inspirasyon si May na muli na naman pinatunayan na hindi hadlang ang kahirapan sa buhay upang matuto. Ang iba pa naman sa kabataan ngayon ay nahuhumaling na sa gadget. At kong sino pa ang may kagamitan ay sila pa itong walang tiyaga sa pag-aaral. 

Credit Photo:Unang Hirit/GMA News

Isa lamang ang pamilyang Bayagas sa mga mahihirap na pilipino sa ating bansa. Kahit sanay na ang tao sa ganitong eksena ay hindi pa rin maikubli ang pagkahabag sa mga katulad ni May. Patuloy lang tayong magdasal na matapos na ang pandemyang ito upang makabalik na ang mga bata sa paaralan. 

Nakakaawa man ang sitwasyon ng pamilya ni May ay pilit pa rin nila itong hinaharap na maging positibo sa pang-araw-araw na pakikilaban sa buhay.