NEWLY-WED NASABUGAN NG LPG-TANK. MISIS BINAWIAN NG BUHAY

NEWLY-WED NASABUGAN NG LPG-TANK. MISIS BINAWIAN NG BUHAY

“‘Til death do us part”. Ang pamosong linya para sa mag-asawa. Nangyari na nga ang kinatatakutan ng lahat ang mawalan ng mahal sa buhay. Labis na paghihinagpis ang nadama ngayon ni Jeff Avila mula sa kanyang social media post. 


Ayon sa post. September 23, ang huling binanggit ni Alysa ay “24”. Noong March 24, 1995 ipinanganak ang asawa niyang si Alysa Mariz Avila. July 24, 2021 naman sila kinasal ni Jeff.

At September 24, 2021 binawian ng buhay si Alysa. Hindi raw malilimutan ni Jeff ang mga petsang iyan sa buhay niya.

Na sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang sakit at lungkot ang nadama matapos ang trahedya sa buhay niya. Nagkakapare-pareho pa ang mga petsa. Ano kaya ang ibig sabihin nito? 

Credit Photo:Jeff Avila/facebook

Sumabog ang LPG tank nang buksan ito upang magluluto na sila. May sumingaw pala na gas mula sa hose ng tangke. Hindi nila ito napansin dahil buong araw silang nasa trabaho. Matinding sunog sa katawan ang natamo ng dalawa. Halos maubos na ang damit ni Alysa dahil sa apoy nang mailabas ito sa bahay. Halos gumuho rin ang bahay nila sa may Casimiro Townhouse, Brgy, Daniel Fajardo, Las Piñas City. 

Credit Photo:Jeff Avila/facebook


September 10, 2021 nangyari ang pagsabog. Agad isinugod sa hospital ang dalawa. Mabuti na lang at nakaligtas si Jeff, ngunit ang asawa niyang si Alysa ay hindi na kinaya ang 14 na araw na pakikipaglaban sa kamatayan at lumisan na ito sa mundo. 

Credit Photo:Jeff Avila/facebook

Dagdag pa sa post ni Jeff, ay nangako itong aalagaan ang mommy ni Alysa. At sabi daw ng mga nurse na nag-aalaga kay Alysa, lagi daw nitong hinahanap si Jeff, sa kabila nang nagkakaproblema na ito sa pag-iisip dahil sa trahedya. Hindi daw alam ni Jeff kong siya ba ay makaka move-on pa sa trahedyang nangyari.