MYGZ MOLINO, KUMUSTA NA MATAPOS ANG PAG PANAW NI MAHAL

MYGZ MOLINO, KUMUSTA NA MATAPOS ANG PAG PANAW NI MAHAL

Noong August 31, 2021 nang pumanaw ang sikat na komedyante na si Mahal. Iniwan ni Mahal ang pamilya, mga kaibigan ang ang matunog ngayon na si Mygz Molino. Hindi man malinaw ang tunay na relasyon ng dalawa pero malinaw dito na isa si Mygz sa labis na naapektuhan sa pagkawala ni Mahal dahil sa cov1d-19. 


Viral ngayon ang binata kong ano na kaya ang tunay na kalagayan nito. Nabalitaan na dumalaw si Mygz sa puntod ni Mahal kasama ang kapamilya ng komedyante.

Ayon sa ate ni Mahal ay halata diumano sa mga mata ng binata ang kalungkutan. Subalit may napansin daw ang netizen sa isa sa mga larawan habang nasa sementery0 sila.

Credit Photo: pep.ph

Makitaan diumano na tila nagparamdam si Mahal. Tila may nakahawak sa kamay ni Mygz na isa pang maliit na kamay. Na pinaniniwalaan na kay Mahal daw ito.

At dahil nga sa kasikatan ng dalawa ay may usap-usapan na gagawan daw ng kwento ang buhay nina Mygz at Mahal at ipapalabas ito sa Magpakailanman at ang napipintong gaganap bilang Mygz ay ang sikat na kapuso actor na si Alden Richards. May hawig din naman daw sina Mygz at Alden. 

Credit Photo:showbiz news update/youtube

Sa December 10 ang kaarawan ni Mygz at malungkot daw ito dahil hindi na niya makakasama si Mahal na kong dati ay kasama niya ito sa mahabang panahon.

Dagdag pa ay pinuntahan daw ng kapatid ni Mahal na si Jason Tesorero kasama si Jethro na manager ni Mahal ang binata upang kumustahin. 

Credit Photo:pep.ph

Naging masaya naman sa ngayon ang mga taga suporta ng dalawa dahil nakitaan na daw ng pagngiti  si Mygz. At hiling ng mga ito na tuluyan ng maka-move on ang binata.

At tiyak naman na papatok kong matutuloy ang life story sa telebisyon ang buhay nina Mahal at Mygz.