SENIOR CITIZEN NA LOLA, NATAGPUAN NAKAHIGA SA BANGKETA

SENIOR CITIZEN NA LOLA, NATAGPUAN NAKAHIGA SA BANGKETA


Mahigpit na ipanagbabawal ng awtoridad ang paglabas ng mga bata at matatanda dahil prone sila sa covid-19. Subalit dahil na rin sa matinding pangangailangan ay lumalabas pa rin ang mga tao upang makapaghanap-buhay para mairaos lamang ang pang-araw-araw na kailangan. Kahit nasa senior age na ay naghahanap-buhay pa rin. 

Isa na dito ang Lola na nasa 67 anyos na ay nagtatrabaho pa rin bilang tindera ng basahan. Natagpuan ng isang vlogger na si Denso Tambayan si lola na nakahiga sa gilid ng bangketa.

Naawa si Denso kaya nilapitan niya ito at kinausap. Agad naman bumangon ang matanda. Ayon sa kanya nagpapahinga lamang siya dahil napagod sa pagbebenta ng basahan. Ginawang lapag ni lola ang mga paninda habang ang payong naman ang nagsilbing bobong niya.

Credit Photo: Denso Tambayan

Napag-alaman ng vlogger na isang senior citizen na pala si lola ngunit patuloy pa rin ito sa pagbebenta ng basahan upang mairaos ang pang-araw-araw na pamumuhay. Binigyan ng dalawang libo ni Denso si Lola upang makauwi na ito at makapagpahinga ngunit tumangging umuwi si lola dahil sayang naman daw ang maibebenta pa niya. 

May isa pang tumulong kay lola, ang napadaang rider. Pinabebenta ng rider ang nabili niyang basahan ngunit tumanggi si lola dahil na rin sa hiya at binigyan na lamang niya ng basahan ang rider.

Credit Photo: Denso Tambayan

Lubos ang pasasalamat ni lola sa dalawa. Para sa kanya ay labis-labis na ang natanggap na tulong sa araw na iyon. Subalit balak pa rin niyang ipagpatuloy ang pagbebenta sa araw na iyon. 

Credit Photo: Denso Tambayan


Maraming nahabag na netizen sa sitwasyon ng matanda. At humanga din sila sa kabaitan ng vlogger at ng rider. Kahit papaano ay may mga mabubuting nilalang pa rin sa ating paligid na handang magbigay tulong kahit sa maliit na paraan. Iyon naman ay napakalaking bagay na sa natulungan.