DATING CHILD ACTOR NAKATIRA NA LAMANG SA GARAHE

DATING CHILD ACTOR NAKATIRA NA LAMANG SA GARAHE

Ang kasikatan bilang isang artista ay hindi  kasiguraduhan na magpapatuloy sa buhay ng isang celebrity. Maraming kwento na ring nasaksihan natin patungkol sa mga dating sikat na celebrity pero ngayon ay naghihirap na. 

Katulad na lang ni Herminio Alano o mas kilala bilang Boy Alano. Sa mga hindi nakakakilala kay Boy Alano ay isa siya sa mga sikat na child actor noong dekada 50. Ipinanganak siya sa Commonwealth Quezon City noong March 20, 1941. Simula noong 1950 hanggang 1969 ay nakagawa na ng 200 na pelikula. Naging laman rin siya ng radyo sa programang Ricky Romatiko sa DzXL. 

Source: ABS-CBN news


Nakakatrabaho niya dati ang ilan sa mga sikat na personalidad sa pinoy showbiz tulad ni Rene Requiestas at Panchito Alba. Isa din siya sa mga artista ng Sampaguita Pictures at nakagawa na rin ng maraming pelikula gaya ng Roberta, Anghel ng Pag-ibig, Rebecca, El Indio, Munting Koronel, Anak ng Espada, Maldita at marami pang iba. Naging assistant director din siya sa pelikulang Chitae Ganda Lalake na pinagbibidahan ng batikang komedyanteng si Joey de Leon. 

Nagwagi din si Boy Alano ng Best Child Actor sa 5th Asian Film Fest noong 1958 sa pelikulang The Day of the Trumpet. Isang prestihiyosong award giving body sa buong Asya. 

Source: ABS-CBN news

Isang netizen ang nagpost sa social media sa tunay na kalagayan ngayon ng dating sikat na child actor. Nakatira na lamang daw sa isang garahe sa may Brgy. 398, Sampaloc, Manila si Boy Alano. Hindi man natin alam ang pinagdaanan ni Boy ngunit naimumulat tayo sa katotohanan na hindi sa lahat ng panahon ay nakapabor ito sa iyo.

Source: ABS-CBN news


Kagaya ng karera ni Boy na tuluyan ng nawala sa limelight ng pelikulang Pilipino. Mapupulutan talaga natin ng aral ang kwento ng buhay ang dating naging famous at kilala ng nakararami.