Isang bata at aso magkayakap habang natutulog sa lansangan

Isang bata at aso magkayakap habang natutulog sa lansangan

Hindi na bago sa atin na makakita ng mga batang lansangan. Talamak ito sa ating bansa. Halata naman na kapabayaan ng magulang nang dahil na rin sa kahirapan. Subalit hanggang kailan kaya mawawalan ng mga bata sa lansangan ang ating bansa? Delikado at nagagamit pa sila sa ilegal na gawain. 

Isang post sa social media ang umani ng reaksyon. Sa post ni Jem Villomo isang bata ang natutulog sa kalye habang yakap ang isang aso.

Sa lansangan ng Edsa Shaw Blvd sa bandang Starmall nakunan ang mga larawan. Nakakaawa dahil sa malamig na semento natutulog ang bata. At halatang sanay na ito sa lamig ng lugar. Tila matagal na naging palaboy ang bata sa larawan. 

Credit Photo: Jem Villomo/facebook


Maraming netizen ang nais magpaabot ng tulong ngunit walang pagkakakilanlan ang bata. Kaya nananawagan na lamang sila sa DSWD na matulungan at maibalik sa pamilya ang bata. 

Ang mga tao sa ganitong sitwasyon ay ang pagtulong na lamang ang magagawa. Pag abot ng pagkain o damit. Pero hindi pa rin nababawasan ang mga bata sa kalye. Bagkus lalo pa itong dumarami. May mga syudad na nagpapatupad ng anti-mendicancy law ngunit tila wala pa ring epekto ang ganitong paraan.

Credit Photo: Jem Villomo/facebook

Saan nga ba talaga nagmula ang ganitong problema ng bansa? Sino ba ang masisisi sa kapabayaan nito? Ilan lamang ang mga tanong na iyan na walang konkretong kasagutan. Sa panahon din ng pandemya ay tila walang awtoridad na pumapansin sa mga palaboy sa kalye bata man o matanda. Nakakatuwa na lamang na mabalitaan natin na may iilang tao na nagbibigay tulong sa mga kagaya nila. 

Credit Photo: Jem Villomo/facebook

Kulang na kulang pa ang pagkilos ng awtoridad sa aspeto ng social welfare. Isang banta rin sa kalusugan ng lahat ang kawalan ng pansin sa mga palaboy lalo na sa panahon ng pandemya.