Isang trahedya sa Tinubdan waterfalls  Catmon, Cebu

Isang trahedya sa Tinubdan waterfalls Catmon, Cebu

Likas talaga sa ating mga pinoy ang magpunta sa mga lugar kong saan tayo ay magsasaya. Kahit sa kabila man ng restriksyon ng pamahalaan sa mga pagtitipon dahil sa pandemya na dulot ng covid-19 ay meron pa rin talaga ang gumagawa nito. 

May isang grupo na nagtungo sa Tinubdan Waterfalls sa may Brgy. Tabili, Sa lalawigan ng Catmon, Cebu.

Habang sila ay tuwang-tuwa sa paliligo sa waterfalls ay bigla na lang rumagasa ang agos ng tubig bandang ala una ng hapon September 26, 2021. Karamihan naman sa kanila ay nakaiwas sa pagragasa ng tubig. Ngunit may iilan naman na hindi nakaligtas. 

Screencap: Carlos Dolendo video

Ang mag-inang Jacel Alastra 32 anyos at si Princess 7 anyos ay patuloy pang pinaghahanap ang kanilang mga katawan. Nakuhanan pa ng video mula kay Carlos Dolendo ang pag-rescue nila kay Kent Jude Monterola. Nanatili si Kent sa gitna ng rumagasang tubig at pilit nila itong inaabutan ng kahoy na may nakataling lubid. Balak nila itong hilahin ngunit sa kasamaang palad ay natangay pa rin ng malakas na agos si Kent. 

Screencap: Carlos Dolendo video


Natagpuan naman ang mga labi ng binata kinagabihan nang araw na iyon. Marahil di umano ay may malakas na ulan sa bundok na pinanggagalingan ng tubig sa waterfalls kaya biglang bumulwak ang malakas na agos ng tubig na may halong putik. 

Kitang-kita sa video ang sobrang lakas na paghagalpak ng tubig at tila yatang wala ng makakaligtas kapag ikaw ay natangay na ng agos.

Screencap: Carlos Dolendo video

Kalunos-lunos at nakakapangilabot kong mapapanood mo ang video sa pangyayari. Kapag ang kalikasan na ang naging mabagsik tila isang milargo na lamang kapag ikaw ay nakaligtas pa dito. Sana magbigay ito ng babala na maging mas maingat pa tayo sa kahit saan man tayo mapunta. Dahil ang trahedya ay hindi natin inaasahan kong kailan man ito mangyayari.