Wedding celebration naudlot dahil na scam ng kanilang wedding coordinator

Wedding celebration naudlot dahil na scam ng kanilang wedding coordinator

Ikanga, ang pagpapakasal ay pinakamasayang pangyayari sa isang babae. Ngunit papaano na lang kaya kong ang wedding reception ay wala kang maaabutan na handaan? 

Ito ang nangyari kamakailan lamang sa newly-wed na sina Cherry Pie Purisima at Arniel Satingasin ng Cebu.

Matapos ang kasalan ay nagulat na lamang ang lahat nang wala silang madatnan na handaan sa kanilang wedding reception. Nai-scam diumano sila ng kanilang mismong wedding coordinator na si Naser Fuentes.

Credit Photo: DyLA news


Humagolgol sa iyak si Cherry Pie sa pangyayari. Agad naman nakarating kay Sir Raffy Tulfo ang nangyari noong September 22. Labis ang lungkot ng mag-asawa dahil walang masabing dahilan si Naser kong bakit nya tinangay ang 65 thousand pesos. 

Gayunpaman sa kabila ng masaklap na pangyayari ay napalitan ng tuwa ang lungkot ng mag-asawa. Dahil inako ni Sir Raffy ang kakulangan nilang bayarin sa kasal. Agad naman tumugon ang dating Star Circle Quest finalist at asawa ng Parokya ni Edgar vocalist na si Nerizza Naig- Miranda. Nag offer din siya ng wedding reception na gaganapin sa kanilang korean restaurant na Jeju Samgyupsal. Dagdag pa ng actress na malapit lang naman daw sa lugar ng mag-asawa ang restaurant at nag offer din ito ng pocket money at mga regalo. 

Credit Photo: Sunstar Balita Cebu

Naganap naman ang dream reception sa tulong ng 93.9 iFM, Radio DyHP at iba pang local wedding suppliers at sponsors. 

Sa kabilang banda ay agad naman nahuli si Naser Fuentes at ibinalik ang tinangay na salapi. Nabalita ring naglaslas ng pulso ito. Humingi siya ng tawad sa mag-asawa at nakiusap sa mga netizen na tigilan na ang pangba-bash sa kanya. May kasong estafa pala si Naser noong 2013 pa. 

Credit Photo: Naser Fuentes/facebook


Pinatawad naman ng mag-asawa si Naser dahil na rin sa mga biyayang natanggap nila sa kabila ng lahat na pangyayari.