ISANG GURO, NAMIGAY NG LIMANG LAPTOP SA KANYANG ESTUDYANTE

ISANG GURO, NAMIGAY NG LIMANG LAPTOP SA KANYANG ESTUDYANTE

Minsan nang nag-viral ang estudyanteng si Chrisken dahil nakatanggap siya ng laptop mula kay teacher Melanie. Muli ay may apat na naman estudyante ang nabiyayaan ng laptop.

Si teacher Melanie Reyes Figueroa, ay isang guro na 53 anyos mula sa Iligan City probinsya ng Lanao Del Norte na nagtuturo sa Hinaplon National High School. Nasa grade 10 na antas nagtuturo ang guro sa subject na Araling Panlipunan. 

Credit Photo:Melanie Reyes Figueroa


Naging adbokasiya na niya ang pamimigay ng kagamitan sa piling estudyante gaya ng laptop at tinawag niya itong “Laptop para sa Pangarap”. Noong una ay si Chrisken ngunit ngayon ay  apat pang estudyante ang nabigyan ng laptop. 

Ayun sa fb post ni teacher Melanie ay hindi po sa kanya galing ang mga laptop kundi ay nagmula ito sa mga donasyon ng mga kaibigan at mga sponsors ni Melanie. Naging daan lamang daw siya sa mga estudyanteng nararapat bigyan ng tulong sa pag-aaral. 

Naawa daw si teacher Melanie sa sitwasyon ng mga estudyante dahil cellphone lang ang ginagamit sa pag-aaral. Paano na lang daw sila makasabay sa mga laptop users. Kaya napagpasiyahan ng guro na mag-post sa social media upang makalikom ng sapat na halaga para sa mga laptop. Nagkaroon din sya ng fund raising para sa nasabing pagtulong. 

Credit Photo:Melanie Reyes Figueroa


Laki naman ang pasasalamat niya sa mga taong  nagbahagi ng kanilang tulong para sa proyekto ni taecher Melanie. At umaasa siya na maging mas kabuluhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng new normal status ng ating bansa.

Credit Photo:Melanie Reyes Figueroa

Nakakamangha ang adbokasiya ng guro lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. Naging instrumento si teacher Melanie upang maging mas maayos ang online class sa limang estudyante. Patuloy pa di  ang guro sa abdokasiya nya na makatulong. At panigurado na mas marami pa ang matutulungan ni teacher Melanie.