Giant baby ng Butuan, kinagigiliwan ng marami

Giant baby ng Butuan, kinagigiliwan ng marami

Kamakailan lang ay ipinalabas sa programang Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA News ang kwento ng mag-asawang Mariel at Felizardo Corpuz

Mula sa Butuan City ang mag-asawang Corpuz na mayroon pitong anak. Ngunit sa kanilang ikapitong anak ay nagulat sila dahil sa napakalaking bulas nito nang ipinanganak.

Ayun kay Mariel ay wala naman daw binanggit ang doctor tungkol sa sukat ng sanggol noong nagpa-check up sya sa ikawalong buwan nyang pagbubuntis. 

Ang midwife na nagpaanak ay nagulat din at habang nagla-labor si Mariel ay panay dasal naman niya na maging ligtas ang mag-ina. Gayunpaman, ay matagumpay na nailuwal ang sanggol via normal delivery sa loob lang ng limang minuto. 

Screencap from KMJS episode

Paniniwala ng mag-asawa kong bakit ganoon kalaki ang bata marahil sa malakas kumain si Mariel habang nagbubuntis. Pero ayun sa isang pediatrician, ang sitwasyon ng bata ay tinatawag na fetal macrosomia. Kong saan higit sa average size nang lumabas ito. Isa sa dahilan ng pagiging macrosomic baby ay ang pagkakaroon ng diabetes ng ina habang ipinagbubuntis niya ang sanggol. Ngunit sa isinagawang pagsusuri kay Mariel ay naging negatibo ito sa diabetes. 

Screencap from KMJS episode

Tila instant celebrity si baby nang maiuwi na ito sa kanilang tahanan. Sa bilugang mukha, matatabang mga braso at mga paa kaya may palayaw na itong Dumbo. Nakakaubos na ito nang tatlo hanggang apat na scoop ng gatas kada apat na oras. 

Screencap from KMJS episode


Nasa eleven pounds ang timbang at one foot ang sukat ni baby Mark na katumbas na ng apat na buwang sanggol. Pahirapan na rin sa pagbubuhat kay baby at nasa medium size na diaper ang ginagamit nito. 

Pinagkalooban naman ng tulong ang pamilya mula sa lgu ng Butuan, at nag-abot din ng tulong sa bata ang KMJS Team. Lubos ang pasasalamat ng mag-asawa dahil malusog at maayos na kalagayan ng sanggol.