BALUT VENDOR, NIREGALUHAN NG HOUSE AND LOT NG MGA ANAK

BALUT VENDOR, NIREGALUHAN NG HOUSE AND LOT NG MGA ANAK

Ang ina ay ilaw ng tahanan. Iyan ang kasabihan na naririnig natin noon pa man. Sadyang gagawin ng isang ina ang lahat para sa mga anak. At nagbibigay ito ng gabay para sa mas maayos na buhay ng kanyang mga anak. 

May mga kwento pa nga na kahit ang pinakamasahol na anak ay babahag ang buntot kapag kaharap na ang kaniyang ina. May mga anak na nagbabalak bumawi sa kanilang  magulang. Katulad ni Ruby.

Niregaluhan niya ang ina ng bahay at lupa. Kasama ang mga kapatid niya ay pinag-ipunan nila ang nasabing regalo. At matapos nga ang 15 taon ay naisakatuparan na nila ito. 

Credit Photo: Ruby/facebook 


Tatalong dekada na rin ang pagiging balut vendor ng kanilang ina. Ito ang kabuhayan ng kanilang ina upang mairaos sila sa pang-araw-araw. Kahit umulan at bumagyo ay walang tigil sa paghahanap-buhay ng kanilang ina. Makikita sa larawan na may katandaan ngunit mukhang malakas pa naman ang kanilang ina. Gamit ang pedicab ay karga-karga niya ang mga binebentang balut. 

Credit Photo: Ruby/facebook 

Napamangha na lamang ang netizen sa ginawa ni Ruby. Hindi lahat ng anak ay kayang bigyan ng bahay at lupa ang magulang. Marami nga sa atin na kahit nakapag-asawa na ay sa magulang pa rin nakatira. 

Dagdag pa ni Ruby, kahit kelan ay hindi matutumbasan ang sakripisyo ng kanilang ina maitaguyod lamang sila. Kaya naman ang malaki at dalawang palapag na bahay ang nagsilbing sukli sa paghihirap ng kanilang ina noon.

Credit Photo: Ruby/facebook

Sana magbigay ito ng inspirasyon sa mga anak. Hindi naman kailangan na magbigay ka rin ng bahay at lupa upang mapasalamatan ang magulang. Ang pagiging mabuting tao at masunurin sa magulang ay sapat na upang maramdaman ng mga magulang ang pagmamahal natin sa kanila. Laging tandaan na ang pagmamahal sa magulang ay sapat ng kapalit sa lahat ng sakripisyo nila.