Isang Ama tiniis ang sirang artificial leg para sa pamilya

Isang Ama tiniis ang sirang artificial leg para sa pamilya

Nakadama ng awa ang netizen sa sitwasyon ni Mang Jerry mula Sultan Kudarat. Dahil sa kanyang pagtitiis sa luma at sira ng artificial leg. 

Ayun kay Mang Jerry, nilalagyan na lang niya ng epoxy ang mga butas at tinatali na lang niya ng goma upang mapakinabangan pa ang kanyang artificial leg. Isang mag-uuling at nagpuputol ng puno si Mang Jerry. 

Credit Photo: KMJS/facebook 


Hindi biro ang iniindang pananakit ng binti niya. Kasabay pa ang obligasyon nito sa pamilya. Sobrang hirap kong tutuusin ang kanyang sitwasyon ngunit tinitiis na lang para magtrabaho upang mapakain sa pamilya. Nagkakasugat na rin ang kanyang putol na kanang binti dahil sa pagpupumilit na isoot ang sirang artificial leg.

May pagkakataon daw na gumagapang na lang siya patungo sa trabaho. Gayunpaman, kahit nahihirapan na sya ay patuloy pa rin sa paghahanap-buhay upang may maitawid sa pang-araw-araw. Makikita sa larawan ang sira-sira at basag na artificial leg. 

Credit Photo: KMJS/facebook

Nakakaawa nga naman talaga ang hitsura ni Mang Jerry at sana mabigyan ito ng panibagong gamit at ibang kabuhayan na naaangkop sa sitwasyon niya.

Nakakabilib pa rin ang determinasyon ni Mang Jerry sa kabila ng kanyang kapansanan. Higit sa lahat ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya. Ito sana ay maging pampagising sa mga taong kompleto ang katawan ngunit batugan naman. 

Credit Photo: KMJS/facebook


Isang halimbawa ng pagiging dakilang ama si Mang Jerry. Tinitiis at gagawin ang lahat para sa pamilya. Ito ay katangian ng isang ama bilang haligi ng tahanan. Pinapasan ang lahat para sa mga minamahal. Isang repleksyon din ng kahirapan sa ating bansa ang mga sitwasyon ng kagaya sa kanya. 

Sa katunayan, nakakamangha ang tibay ng loob ni Mang Jerry. Sana mabigyan ng pansin ang kalagayan niya at ng kanyang pamilya. Gayunpaman, sana ipagpatuloy ni Mang Jerry ang laban ng buhay sa kabila ng kanyang nararanasan.