Isang ganap na Engineer ay dati palang Balut vendor

Isang ganap na Engineer ay dati palang Balut vendor


Tagumpay ang nakamit ng isang balut vendor na ngayon ay isa ng ganap na engineer. Noong August 2021 ay pumasa sa licensure examination bilang engineer ang taga Lallo, Cagayan na si Benny Jose Tomas.

Ayun sa kanyang kwento, isinulong nya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagtitinda ng balut.

Aniya, sa tuwing break nila sa tanghali ay bumibili sya ng hilaw na balut at nilalagay nya muna ito sa boarding house tsaka niluluto na nya pagka-uwi ng bandang hapon. At binebenta nya iyon mula 6pm hanggang 8pm.

Credit Photo:Benny Jose Tomas/facebook


Ang kanyang mga takdang aralin ay ginagawa nya sa tuwing araw kapag break nila dahil sa gabi ay pagtitinda ng balut ang ginagawa niya. Lumaki siya bilang pang lima sa siyam na magkakapatid. Ang mga magulang naman ni Benny ay parehong magsasaka. Ngunit hindi na nakapagtrabaho ang nanah niya dahil na stroke ito. Subalit hindi iyon naging hadlang sa pagpapatuloy niya sa kolehiyo.

Credit Photo:Benny Jose Tomas/facebook

Si Benny lamang ang nakapagtapos ng kolehiyo sa kanilang magkakapatid. Hindi siya sumuko sa kabila ng hirap ng buhay. Dedikasyon at determinasyon ang pinairal niya para ipagpatuloy ang laban sa buhay. Ito rin ang payo niya sa mga kabataan na kapwa dumaranas ng kahirapan sa buhay. 

Isang patunay na naman ang katulad ni Benny na kahit kailan ay hindi hadlang ang kahirapan sa buhay. Nakakatuwa ang pagsusumikap niya sa pag-aaral. Nagtiis at nagtiyaga at ngayon ay nakamit na niya ang makapagtapos at lisensyadong engineer pa. 

Credit Photo:Benny Jose Tomas/facebook

Ito sana ay magbigay inspirasyon sa mga kabataan na ipaglaban at pagsikapan ang pag-aaral. Sa kabila man ng kahirapan at sa pandemyang nagaganap ngayon ay sana kumapit lang sa Diyos at magtiwala sa sarili.

Dahil lahat ng paghihirap ay may kaginhawaan rin na darating. Mabuhay ka Benny at ipagpatuloy mo sana ang magandang pananaw.