One million pesos birthday gift para sa isang Ina

One million pesos birthday gift para sa isang Ina

Ang pagbibigay regalo sa ating minamahal ay isa sa paraan uoang maipakita natin sa kanila ang ating pagmamahal. Maliit man o malaki ang mahalaga ay galing ito sa puso. 

Subalit isang kakaiba ang pagreregalo ng isang anak sa kanyang ina ang ginawa ni Lou. Talagang malaki at napakalaking halaga ng salapi anh regalo nya sa ika-67 na kaarawan ng kanyang ina na si Aling Lolita. 

Screencap KMJS episode

Bilang paghahanda sa sorpresang regalo ay nagsagawa ang mag-anak ng game show. Kong saan pinapili ang kanyang ina mula 50 thousand hanggang 100 thoisand versus package. Ngunit sa huli ay package ang pinili ni Aling Lolita na nasa kwarto nito. Nang maimulat na niya ang kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang tig 1000 at 500 peso bills na nakalatag sa buong kama at sofa. Tumataginting na isang milyong piso ang halaga ng salaping iyon. 

Screencap KMJS episode

Ayun kay Aling Lolita na tila nanalo siya sa lotto. Bukod kasi sa pera ay may kwentas at relos din kasama pati house and lot ang natanggap niya mula sa kanyang anak na si Lou. 

Laki sa hirap ang mag-anak. Isang magsasaka ang ama at naglalako ng gulay ang ina. Ayun kay Lou, halos wala na daw silang makain dati. Nag-uulam sila ng suka at bagoong. Nakabalot naman sa dahon ng saging ang kanilang kanin bilang bain sa eskwela. Nokng 19 anyos siya ay sinulat niya sa isang notebook ang mga kahilingan niya habang nag-aaral pa siya. Kalakip doon ang pangarap na  bahay at maging instant milyonaryo ang nanay niya. 

Nagawa ito lahat ni Lou nang pasukin niya ang skin care product business. Nag-umpisa sa tiktok video at doin siya nakakuha ng manufacturer para sa kanyang produkto. 

Screencap KMJS episode

Napaiyak na lamang si Lou nang balikan sa ala-ala ang dati nilang buhay.