Halamang Welcome plant ito pala ay Nakakalas0n

Halamang Welcome plant ito pala ay Nakakalas0n

Sa panahon ng covid-19 ipinag-utos ng awtoridad na manatili sa bahay kong wala namang importanteng gawain sa labas. Kaya naman ay nauuso ang pag-aalaga ng mga halaman. Ang mga taong nahihilig sa pag-aalaga ng halaman ay tinawag na plantito at plantita.

Isang plantito ang nagtrending dahil sa ibinahagi niyang karanasan patungkol sa halamang tinatawag na welcome plant. Nangyari ang insidente nang minsang may nakain ang kanyang anak na si CJ na isang dahon mula sa halaman. Agad umiyak ng umiyak ang bata matapos makakain nito.

Buong akala nila ay baka napapaitan lang ang bata kaya sinubukan din niyang kumagat ng kaunting dahon. Nagulat na lamang siya dahil sa sobrang sama ng lasa nito. Animo’y lasang asido ang dahon. 

Credit Photo: carousell.ph

Kaya naman pinainum ng gatas at pinakain ng asukal ang bata. Ganun na rin ang ginawa nya sa sarili upang maibsan ang masamang nalalasahan. 

Sa kanyang ginawang research ay napag-alaman niya na nakakalason pala ang halaman na iyon. 

Credit Photo: joyusgarden.com

Heto ang detalye sa welcome plant. 

Zamioculcas – common name Zansibar gem, ZZ plant, Zuzu plant or emerald or welcome plant or money plant. 

Origin: Africa Names – ZZ plant

Zamioculcas zamiifolia (botanical/scientific name) 

Max growth: Stems length 3ft (30cm)

Poisonous for pets: Toxic to cats and dogs. 

Toxicity: Zamioculcas zamiifolia is part of the Araceae family which is well-known for many poisonous genera, sucb as Philodendron, which contains calcium oxalate. Needle-like calcium oxalate crystals could irritate different sensitive skin parts, mucosa or conjunctiva. 

Credit Photo: desciphearth.weebly.com


Kaya kong kayo ay nahihilig sa halaman ay mas nakakabuting kilalanin o alamin ng mabuti ang uri ng halamang balak alagaan. Pagandahan nga talaga ng alagang halaman subalit mas isipin natin ang kapakanan ng kalusugan. Mas maiging mag alaga ng halaman na alam mo mismo kong anong uri ito. Upang maiwasan ang delikadong pangyayari.