Guro, sumugod sa Ulan at Putikan. Ulan ka lang Teacher Kami.

Guro, sumugod sa Ulan at Putikan. Ulan ka lang Teacher Kami.

Ikanga, ang guro ay tumatayong pangalawang magulang sa mga bata. Ito ay madalas nating naririnig noon pa. Sila ang mga tao na kahit nakukulitan na at nahihirapan sa iilang estudyante ay patuloy pa rin ang gawain bilang guro mairaos lang ang buong araw sa klase. At kinabukasan ay panibagong aralin na naman. 

Sa panahon ngayon na may nagaganap na pandemya kaya bawal pa ang face-to-face na klase. Kaya naman ang mga guro ay humaharap sa online classes. Subalit ang iba naman ay sa modular system at personal na pinupuntahan ang mga estudyante sa kani-kanilang tahanan. 

Katulad na lang ng gurong si Michelle Buquiran-Miguel. Kasama ng iba pang guro ay sumugod sila sa ulan at maputik na kalsada mapuntahan lamang ang mga estudyante. 

Credit Photo:MiChelle Buquiran-Miguel/facebook

Agad nag-viral ang post ni teacher Michelle sa social media. Inabot agad ng 9,000 shares at 10,000 reactions sa halos wala pang isang araw. Makikita sa mga larawan ang matinding sagupaan ng mga guro sa ulan at sobrang putik na kalsada. 

Basang-basa si teacher Michelle at mga kasama ngunit naging masaya pa sila dahil sa kakaibang karanasan daw sa ulan at putikan. Nang marating na nya ang bahay ay agad pinunasan ang sarili at ang laptop.

Credit Photo:MiChelle Buquiran-Miguel/facebook

Hindi talaga maikakaila na sa ibang lugar lalo na sa probinsya ay hindi pa rin maayos ang mga kalsada. Tiyaga at determinasyon ang kailangan upang matawid ang dala-dalang edukasyon ng mga guro para sa mga bata. Maraming netizen ang humanga sa tibay ng loob ni teacher Michelle at kasamahan. Sana maging ehemplo ang gurong ito sa iba pa na huwag sumuko sa laban ng pandemya at edukasyon. 

Credit Photo:MiChelle Buquiran-Miguel/facebook

Tunay ngang nakakabilib ang ginawa ng mga guro. Sana magbigay daan ito upang masolusyunan ang problema sa kalsada sa bahagi ng Sarangani, South Cotabato.