Lola sa Negros Occidental tinaguriang Oldest living Filipino

Lola sa Negros Occidental tinaguriang Oldest living Filipino

Ang pag-aalaga sa sarili,  panlabas man o lalo na sa panloob ay isa sa  batayan kong gaano tayo katagal mananatili sa mundong ibabaw. Nakadepende ito sa uri ng ating pamumuhay, pakikitungo sa kapwa, sa mga kinakain at sa mga iniinum natin. Masarap mabuhay ng mahabang panahon aminin man natin o hindi. 

Ipinagdiwang ng mag-anak ang ika-124 na kaarawan ni Francisca T. Montes – Tinaguriang Oldest Living Filipino. Si lola ay ipinanganak noong September 11, 1897. At kasalukuyang nakatira sa Kabankalan City, Negros Occidental. 

Credit Photo:Pep.ph

Kadalasan daw ay gulay ang kinakain nila kaya dahilan ng pagkakaroon ng mahabang buhay. Bukod kasi kay lola Esca ay pinagdiwang din nila ang isa sa mga anak nito na si Magdalena na lagpas 100 na din ang edad. 

Sa katunayan ay inabot pa ni lola Esca ang 16 na presidente ng Pilipinas. At nagkaroon naman sya ng 14 na anak. Sa gitna ng katandaan ay tumutogtog pa ito ng harmonica. At bilang ehersisyo na daw ito kada umaga. Ayon pa kay lola ay tagahanga daw sya nina Sir Raffy Tulfo at Senador Manny Pacquiao. Kaya ibinahagi ni lola ang kanyang handcrafts sa dalawa. Inandugan naman siya ng senador ng 101 thousand pesos at 50 thousand pesos mula kay Tulfo. 

Credit Photo:abs-cbn news

Sa panahon ngayon, sobrang bihira na ang umabot sa edad na isang daang taon. Malaking factor din ang mga kinakain natin para sa ating kalusugan. Nakakamangha din na mararanasan mo ang pamamalakad ng lahat na naging pangulo ng bansa. Tiyak maraming kwento si lola patungkol sa mga pangulong nagdaan.

Credit Photo:reddit


Napaka swerte din ng mag-anak ni lola dahil nakakasama pa nila ito ng sobrang tagal, mula bata hanggang tumanda ay nariyan pa rin si lola Eca. 

Kaya nararapat lang na pahalagahan at mahalin natin ang ating kapamilya habang nakakasama pa natin sila.