Anak ng OFW inipon ang pinapadalang allowance

Anak ng OFW inipon ang pinapadalang allowance


Sa fb post ng isang netizen na si Jane F’mous, nakakamangha ang ginawang pag-iipon ng anak ng kanyang kaibigan. Ayon dito napuno ang isang tub ng tig 20 pesos mula sa ipinapadalang allowance ng kaibigan nyang si Gemma. 

Nang umuwi si Gemma ng bansa ay labis ang kanyang tuwa ng bumugad sa kanya ang mga naipon ng kanyang anak na si Gerdan. Dati pala ay 2 tub na puro barya ang naipon ng kanyang anak. At ngayon naman ay isang tub na purong tig 20 pesos. 

Credit Photo: Jane F’mous/facebook

Sa katunayan, mas malaki pa diumano ang naipon ng bata kesa nagastos nito. Dagdag pa ni Gemma ay napakabait din daw ng kanyang anak. 

Ito ay isang pambihirang gawain. Kadalasan kasi ay mga matatanda na ang nag-iipon. Pero sa murang isipan ni Gerdan ay namulat na ito sa pagpagpapahalaga sa pera at kinabukasan. 


Credit Photo: Jane F’mous/facebook

Muli ay napapa-sana all na naman ang netizen sa ginawa ng bata. Sana maging bukas din ang isipan ng iba pang kabataan gaya ni Gerdan. Lalo na sa panahon ngayon na marami ang nawalan ng trabaho, kaya kapag may naipon ay tiyak napakalaking tulong nito. 

Ayon pa kay Jane, sobra syang namangha sa anak ng kaibigan. Ganun din si Gemma, gulat at labis na tuwa ang nadama. 

Tunay nga na may madudukot kapag may itinanim. Kaysa kong ano-ano ang binibili natin, mas maigi na piliing mabuti ang pangangailangan upang mas maging kabuluhan ang ginagastos. 

Credit Photo: Jane F’mous/facebook

Hindi nga madali ang pag-iipon lalo na kapag bata pa. Kadalasan kasi ay agad-agad nagsho-shopping o bumibili ng gadget. Sana tularan ng iba ang kasipagan ni Gerdan sa pag-iipon. 

Sa mga may kapamilya sa abroad, sana ay huwag tayo maging abusado sa mga natatanggap natin. Dahil pinaghihirapan ng mga OFW ang bawat sentimo na kinikita nila at pinapadala sa atin.