Food Panda rider nakuhanan ng larawan habang Kumakain

Food Panda rider nakuhanan ng larawan habang Kumakain


Isa ngayon sa pinakapatok na hanap-buhay ang food delivery services. Sila iyong mga riders na gumagamit ng apps para doon magaganap ang transaksyon nila mula sa mga customer. Isa ito sa pinaka safe at pinaka mabilis na komersyo ng food service. Dahil hindi mo na kailangan pang umalis ng bahay upang bumili ng pagkain. 

Isa rito ang food panda delivery. Ang mga riders nila mismo ang kumukuha, bumibili at naghahatid ng orders mo. Subalit hindi maiiwasan ang mga bogus buyer. Na nagdudulot ng kamalasan sa mga riders. 

Sa mga larawan na ibinahagi ni Reneboi Caudillosa, isang food panda rider ang nakuhanan niya habang ito’y kumakain sa gilid ng kalsada habang sardinas ang inuulam. Hindi naman mali ang ginawa ng rider. Ngunit nagpapakita ito na sa kabila ng mga masasarap na pagkain ang inihahatid nila ay sila mismo ay hindi lahat  may kaya na makabili ng ganoon para sa kanilang sarili.

Credit Photo:Reneboi Caudillosa

May mga pamilya din silang binubuhay at nagtitipid basta lang may mailaman sa sikmura. Pinapaalala din sa atin ng mga larawan na dumaranas din sila ng kahirapan. Dapat maging tapat ang mga umoorder at huwag naman natin lokohin sa mga orders. 

Credit Photo:Reneboi Caudillosa

Naging viral online ang larawan ng isang lalaki na inuulam lamang ay sardinas at nakadama ng awa ang mga netizen. Sana maging inspirasyon ang larawan ng lalaki sa atin lalo na sa mga tao na walang ginagawa sa buhay kundi umaasa sa ayuda ng sinuman. Bagkus magbanat sila ng buto at mag sumikap. Kahit kaunti ang kinikita basta ito ay marangal. 

Credit Photo:Reneboi Caudillosa


Maituturing na frontliners na rin ang mga food delivery riders sa panahon ngayon. Sa kabila ng panganib sa kalsada at ng covid 19 ay nandyan sila upang tayo ay mabigyan ng serbisyo at mapagaan ang buhay sa hinahagad nating pagkain.