Umani ng papuri mula sa netizen ang mag-asawa, matapos Bihisan ang nakahubad na Pulubi

Umani ng papuri mula sa netizen ang mag-asawa, matapos Bihisan ang nakahubad na Pulubi

Madali na nga sa panahon ngayon ang ibahagi ang kwento sa sarili man o sa paligid, o maging sa kapwa natin. Ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pansin. Kadalasan kasi sa mga nag-viral ay ang mga kakaiba o di kaya ay ang nagbibigay inspirasyon na pangyayari. 

Gaya na lang sa ibinahaging larawan ni LJ Adop. Sa likod ng larawan ang kwentong nagpapaantig ng damdamin ng netizen.

Credit Photo:LJ Adop/facebook


Ayon sa kwento, nakasakay sa motorsiklo ang mag-asawang Wilfredo at LJ Adop habang binabaybay ang kalsada sa may Caloocan Sports Complex. Nang makita ni LJ ang isang matandang lalaki na nakahubad sa gilid ng kalsada. Batid din nila na pinagtawanan ito ng mga ibang tao sa paligid. Huminto sila at agad bumili ng mga damit si Wilfredo sa kalapit na ukay-ukay store. Nilapitan ang pulubi at binihisan ni Wilfredo. Nakahawak pa sa balikat ng lalaki ang matanda habang binibihisan niya ito. Ni hindi niya alintana ang banta ng virus dahil diumano sa sobrang pagka-awa sa pulubi. 

Credit Photo:LJ Adop/facebook

Ibinahagi ng LJ ang mga larawan sa social media upang maging halimbawa ang magandang gawain sa mga tao. Na ang ilan sa atin ay imbes na tumulong ay kunukutya pa ang kapwa. 

Hindi natin maikakaila na halos sa lahat ng lugar sa bansa ay may mga pulubi sa gilid ng kalsada. Bata man o matanda o kahit buong pamilya ay naninirahan na sa bangketa. 

Meron tayong anti-mendicancy law sa bansa o ang pagbabawal sa pamumulubi. Kung ayaw natin tumulong ay mas magandang ipagbigay alam ito sa namamahala sa lugar kaysa kutyain o pagtawanan ang pulubi sa daan. 

Credit Photo:LJ Adop/facebook


Gayunpaman, maraming netizen ang humanga sa kabutihang-loob ng mag-asawa. Tunay kayong ehemplo ng kagandahang-asal sa lipunan. Sana ay mabigyan pansin ito ng ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa kaligtasan ng bawat tao.