Dalawang daang libong piso bilang regalo ni mister kay misis

Dalawang daang libong piso bilang regalo ni mister kay misis

Iba-iba talaga ang paraan ng mga pinoy upang ipakita ang pagmamahal sa ating minamahal. May nagbibigay ng sobrang laki na stuff toy.

Meron din nagpo-propose sa mall, meron din gumagawa ng flash mob para sorpresahin ang iniibig at meron din nagsasampay ng salaping 200 thousand para sa asawa. 

Nag-viral ang video ng tiktok uploader na si sanchikz. Umabot na nga ng higit one million views ang naturang video.

Pinakita sa video ang sorpresa ni mister para sa kanyanh misis. 200 thousand na ginawang sinampay para sa kanilang 13th wedding anniversary. Nakakalula ang tig-iisang libo na binalot sa plastik at ginawang sinampay. 

Screencap from tiktok@sanchikz

Noong una raw ay balak ikumot ni mister sa asawa ang mga salapi. Pero dahil sa sobrang excitement, ito ay ginawa niyang sinampay. Tamang-tama din dahil umuulan sa gabing iyon. Kunwaring inutusan niya si misis na kunin ang sinampay. Kasabwat ni mister ang kanilang anak sa sorpresang iyon. 

Screencap from tiktok@sanchikz


Napapa-wow at sana all na lamang ang netizen sa napanood. Marami ang natuwa subalit marami din ang tumaas ang kilay dahil nayayabangan daw sila sa ginawa ng lalaki. 

Ayon kay mister ay lubos ang kanyang pasasalamat kay misis dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanilang pamilya. Wala daw katumbas na halaga ang pagmamahal ni misis sa kanila. 

Screencap from tiktok@sanchikz

Kakaiba talaga ang ginawang sorpresa ni misiter sa kanyang misis. Sana huwag na bigyan ng iba pang kahulugan ang ginawa ni mister. Kong ito man ang naisip niyang sorpresa ay sa kanya na iyon. Sa halip na kumontra ang ilan, sana ay matuwa na lang tayo dahil wala naman ibang hangarin si mister kundi mapasaya ang kanyang misis sa kanilang anibersaryo. 

Maraming paraan upang magbigay sorpresa sa minamahal. Hindi kailangan na mamahalin basta ang importante ay mula sa puso at marangal na paraan.