Estudyante binigyan ng laptop ng isang Guro

Estudyante binigyan ng laptop ng isang Guro

Hindi inakala ng isang estudyante na si Chrisken Simule na makakatanggap siya ng isang bagay na makakatulong sa kanya ng malaki sa kanyang pag-aaral. 


Mula sa isang kaibigan ni Chrisken na humingi ng tulong sa gurong si Melanie Figueroa ay nabigyan siya ng laptop. Ayon sa guro, napag alaman niya ang hirap sa online class ng estudyante gamit lang ang lumang cellphone. Kinakailangan pa daw na makigamit ng wifi sa kapit-bahay upang masimulan ang klase. At nanghihirap lang din ng laptop dito. 

Credit Photo:Melanie Figueroa/facebook

Agad naman tumugon si teacher Melanie at nagpa-fundraising ito para matulungan si Chrisken. Nakalikom sya ng 40 thousand pesos at iyon ang pinambili ng bagong laptop. 

Credit Photo:Melanie Figueroa/facebook


Naabotan pa ni teacher Melanie si Chrisken na naghahanda sa online class. Nagulat ang 21 anyos na estudyante nang makita niya ang regalo na isa pa lang laptop. Kitang-kita ang saya at galak ng binata dahil sa kanyang natanggap mula sa tulong ng mga kaibigan at mga dating estudyante ng guro. 

Sa wakas ay naibsan na rin ang hirap na nararanasan ni Chrisken sa kanyang online class. Humanga naman ang guro sa pagsusumikap ng estudyante sa kabila ng sitwasyon. 

Credit Photo:Melanie Figueroa/facebook


Napagalaman din ng guro na nawalan ng trabaho ang tatay ni Chrisken dahil sa pandemya. Pero sa kabila ng lahat ay nagpatuloy pa rin na hinarap ng estudyante ang new normal na nararanasan natin ngayon

Lubos naman ang paghanga ng mga netizen sa ginawa ni teacher Melanie. Sa panahon ngayon ay kailangan talaga ang pag-intindi at pagtutulungan ng lahat. Hindi man natin alam kong kailan matatapos ang pandemyang ito sana ang bayanihan sa kapwa ay mananatili sa ating mga puso. 

Saludo kami sa iyo teacher Melanie ikaw ay natatangi sa larangan man ng pagtuturo at pakikiharap sa buhay. Sana marami ka pang matulungan gaya ni Chrisken.