Dating panadero, Ngayon ay isa ng doctor

Dating panadero, Ngayon ay isa ng doctor


“Success has a way finding people who are worthy of it. To be successful means to earn it. Do not just dream about it, but also work hard and smart for it. Even if it takes a lot of time the end goal will be worth the effort you’ve pit into achieving it.” – Rommel Abellar Amos. 

Naging viral ang isang kwento ng tagumpay. Si doctor Rommel Abellar Amos na ngayon ay isa ng licensed physician at registered nurse.

Credit Photo: Rommel Abellar Amos


Subalit dumaan mo na siya sa hirap ng buhay bago nakamit ang pangarap. Dahil nga sa pinansyal na kakulangan ay marami na hanggang high school o ang iba nga ay hanggang elementarya lang ang natapos pero meron din iba na hindi na nakapag-aral. 

Ngunit ang kahirapan ng buhay ay hindi tinuring ni Dr. Rommel upang makamit ang kanyang pinapangarap. Nagsikap at dumaan muna siya sa iba’t-ibang trabaho mairaos lang ang pag aaral

Credit Photo: Rommel Abellar Amos

Ang 37 years old na doctor ay naging water refiller noong 2005. Sa sumunod na taon ay naging merchandiser naman siya sa SM San Lazaro supermarket. Sa taong 2007 ay naging marketing assistant naman siya sa SYM Motors. Naging sales clerk din siya sa Megamall noong 2008. At naging assistant baker naman siya sa RDA Bakery noong 2017. 

Hindi nga naging madali ang lahat para maabot ang kinatatayuan ngayon ni Dr. Rommel. Nagsumikap, nagtiyaga siya para sa minimithi at ngayon ay nasuklian na rin sa wakas ang mga paghihirap niya sa buhay. At naging proud pa  sa mga pinagdaanan niya. 

Credit Photo: Rommel Abellar Amos

Isa na naman kwento na nagbibigay inspirasyon ang ating natunghayan. Na kahit sa mga pagsubok at hirap ay naturuan tayo na huwag sumuko at maging matatag na harapin ang hamon ng buhay. Saludo ang mga netizen sa kwento ng buhay ni Dr. Rommel.