Ginulat ang showbiz industry sa pagpanaw ni Mahal

Ginulat ang showbiz industry sa pagpanaw ni Mahal


Ginulat ang shiwbiz industry sa pagpanaw ng komedyanteng si Noeme Tesorero o mas kilala bilang Mahal

Nag-umpisa ang career ni Mahal sa variety show na Lunch Date ng GMA noong 1988.

Kinagigiliwan ng marami sa kabila ng dwarfism na katangian nito. Mas sumikat pa si Mahal sa mga pelikulang nagawa niya tulad ng Anak ni Janice 1991, Kokey 1997 at Mr. Suave 2003.

Lumabas din siya sa mga tv shows tulad ng Idol ko si Kap, MTB at Bahay mo ba to?. Ang huling tv series niya na Owe My Love ng GMA ay agad tinapos ang parte niya dahil sa banta ng covid-19. 

Courtesy Photo:GMA Public Affairs


Naging kontrobersya din ang buhay pag-ibig ni Mahal. Nagpakasal siya kay Jimboy na nagwakas din sa pagpanaw nito noong 2015. Sa taon din na 2015 ay nagpakasal siya kay Jobbie Hebrio na tumagal lang ng dalawang taon. Nagkarelasyon din sya kina Aries Navarro at Jimmy Navarro na kapwa hindi naman related sa isa’t-isa. Namahinga muna si Mahal sa pakikipagrelasyon hanggang sa nababalita na lang ang pagsasama nila ni Mygz Molino at nakagawa pa sila nito ng youtube channel noong July 2020.

Ipinanganak si Mahal noong December 29, 1974 sa Virac, Catanduanes. At pumanaw noong August 31, 2021 sa Tanauan, Batangas.

Courtesy Photo:Mahal/facebook

Noong Agosto 2021 ay na feature pa siya sa KMJS ng GMA nang bumisita siya sa kaibigan at co-host niya dati sa Magandang Tanghali Bayan ng ABS-CBN na si Allan Padua o mas kilala bilang Mura. Pinagkalooban pa ito ni Mahal ng groceries at cash. 

Ayon sa kapatid niyang babae, “gastro illness” at covid-19 ang ikinamatay ni Mahal. At meron din itong hypertension. 

Maraming kasamahan sa showbiz ang nalungkot sa pangyayari. Tulad nila Rosanna Roces, Kiray Celis at Ai-Ai delas Alas. 

Courtesy Photo:PEP. ph

Mapapanood sa youtube ang huling video ni Mahal bago siya binawian ng buhay.