Ethel Booba at Madam Inutz, Nagkabati na

Ethel Booba at Madam Inutz, Nagkabati na


Kamakailan nga ay nagtrending ang tikt0k video ni Ethel na sinasabing pinasaringan daw diumano si Madam Inutz. Umani ito ng iba-t ibang koment0 ng mga netizen. 

Si Daisy Lopez  o mas kilala bilang Madam Inutz ay sikat na online seller at dating talent ng Star Image management at ngayon ay lumipat na kay Wilberto Tolentino bilang bagong manager niya. 

Credit Photo: Ethel Booba/facebook

Muling nagviral itong si Madam dahil daw sa hindi piinagbuksan ng gate si Ethel at ang mga kasamahan nito noong nagpunta sila sa bahay ni Madam. 

Ayun sa side ni Ethel kaya sila nagpunta kina Madam Inutz dahil sa masarap na siomai ni Madam at gusto din makita at makilala ni Boobsie si Madam lalo pa na ibinibida daw ni Ethel si Madam kay Boobsie. At fan daw ito ni Madam Inutz. Nagulat na lamang sila dahil hindi sila pinagbuksan ng gate ni hindi rin sila hinarap ni Madam. Sumama ang loob ni Ethel dahil napahiya sya sa mga kaibigan at mga tao sa paligid. Bagkus ang sadya lamang nila ay bumisita sa bagong kaibigan. 

Credit Photo:Wilbert Tolentino/Glam Team/Daisy_licious Ukay

At ayun naman sa side ni Madam Inutz kaya hindi siya nakaharap sa mga bisita dahil nag live raw sya online. At hinarap naman daw sila ni Ronnie na pinsan at handler ni Madam. Inakala din daw ni Madam na muling mag vlog sila at wala naman daw itong abiso sa manager niya. Dagdag pa ni Madam may pinangangalagaan daw siya na kontrata at bawal daw diumano na maging over exposed siya. 

Si Ethel at Wilberto ay matagal ng magkaibigan kaya nagulat din sya kong bakit ganun na lang ang nangyari. 

Credit Photo:Ethel Booba YT channel

Subalit hindi naman lumala pa ang isyu dahil nagkaayos din naman ang dalawang panig. Makikita nga sa mga latest videos nila na wala naman poot at galit sa bawat isa.