Beatrice Luigi Gomez Miss Universe Philippines 2021 bukas sa kanyang pakikipagrelasyon sa kapwa babae

Beatrice Luigi Gomez Miss Universe Philippines 2021 bukas sa kanyang pakikipagrelasyon sa kapwa babae

May mga nagsasabi na ang pag-ibig ay walang pinipiling kasarian. Sa panahon ngayon na naging mas bukas ang bawat isa sa pagpapahayag sa sarili lalo na sa larangan ng pagmamahal sa isang tao.

Mas hinahangaan na ngayon ang mga taong nagpakatotoo sa sarili. At kapag nang bash ka sa isang taong inaamin na membro siya ng lgbtqia+ ay tiyak dudumugin ka ng bash din mula sa iba.

Isa sa mga naging bukas at aminado na isa siyang bisexual ay si Beatrice Luigi Gomez, ang kakapanalo lang sa Miss Universe Ph 2021.

Naging hot topic ngayon sa media ang 26 anyos na cebuana lalo na sa estado ng kanyang buhay pag-ibig. Nagviral kasi sa social media ang post ng kanyang karelasyon na si Kate Jagdon, isang performance Dj at entrepreneur base sa kanyang IG bio. Isa sa mga post na larawan ay makikita ang sweetness ng dalawa.

Credit Photo:Instagram@kate_jagdon


Ito ang naging caption sa post ni Kate. “You have proved once again that you’re worthy of all the big things in life. Congratulations to you for doing it once again! We are so proud of you.” Kate Jagdon, 26. Ay anim na taon na palang karelasyon ni Beatrice. Sabi ni Kate sa Cebu Daily News. “When i met my girlfriend i was fixed on what other people say and i felt that i didn’t owe anyone any explanation that’s why i didn’t have to come out”.

Credit Photo:thehandbook.com


Si Beatrice ang kauna-unahang openly bisexual na nagwagi sa Miss Universe PH. Lalaban siya sa gaganaping Miss Universe pageant sa bansang Israel sa Desyembre ng taon na ito. 

Credit Photo:Instagram@beatriceluigigmz

Umani naman siya ng papuri mula sa netizens dahil sa pagiging totoo nito sa sarili. Mabuhay at goodluck sa iyong laban cebuana beauty queen Beatrice!