Madam Inutz pasok sa Bahay ni Kuya

Madam Inutz pasok sa Bahay ni Kuya

“Mga inutil!! Magbabakasyon lang muna ako!! Dahil pasok tayo sa official housemate sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 (Celebrity Edition)”. Iyan ang sabi ni Daisy Lopez o Madam Inutz sa kanyang facebook live.

Halos kasabay nito ang pag anunsyo ng PBB Facebook page sa kanilang official housemate sa season 10 ng PBB. 

Credit Photo:news.abs-cbn.com


Nakilala si Madam Inutz sa nagviral na online selling na pumalo sa mahigit 15thousand views ngunit wala man lang nag mine. Sa taong ito rin nagka isyu sila ni Ethel Booba, ngunit di naglaon ay naayos naman nila ito.

Noong Agosto 19 ay magkasamang nag FB Live sina Madam Inutz at ang manager na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang contract signing. At simula noon ay nagkaroon na ng maraming proyekto si Madam Inutz. 

Agad pumatok sa masa ang pagiging natural at pala biro ni Madam sa kanyang online live selling at sa youtube channel niya. Ohjivaa! Sa Kumu Live ay ibinahagi niya ang kanyang paghahanda para sa nalalapit niyang pagpasok sa bahay ni Kuya. 

Credit Photo:mb.com.ph

Noong Setyembre 2021 ay nag released ng song si Daisy Lopez o Madam Inutz sa kanyang youtube channel composed by Ryan Soto ang kantang “Inutil”. Nagkaroon din agad ng maraming views ang music video ng kanta. At may pa-dance challenge pa si Madam na may papremyong 100 thousand ang magwawagi. Napaka catchy at pasok sa masa ang kanta ni Madam na nagkukwento sa kanyang karanasan sa online selling. Dagdag pa nito ang hasky voice o sinasabing “tunog kalye” ang boses ni Madam. Available na sa lahat ng online music streaming ang kanta ni Madam Inutz. 

Credit Photo:kami.com.ph

Tiyak na pakakaabangan ang season 10 ng PBB kasama ang ilan pang celebrity sa panibagong yugto sa sikat na bahay ni kuya. Labanan na ito ng mga subscribers at followers.