Sunshine Cruz inamin na sa honeymoon pa lang nila ni Cesar ay nakaranas na ito ng hindi maganda

Sunshine Cruz inamin na sa honeymoon pa lang nila ni Cesar ay nakaranas na ito ng hindi maganda

Mula sa panayam ng aktres na si Sunshine Cruz sa Pep ay inamin niya na kahit noong nasa honeymoon stage pa lang sila ay hindi na umano maganda ang naranasan niya sa ex-husband na si Cesar Montano.

Ayon sa aktres, nag-Carribean cruise sila noon para sa kanilang honeymoon ay itinapon ni Cesar ang kanilang wedding ring. Dagdag pa niya ay naging isyu bigla ang mga ginawa niyang sexy movies noon.

At pilit pinaaamin kong totoo ba ang mga sexy scenes na ginawa ng aktres dati. 

Credit Photo:philstar.com

Mas madalas na mainitin ang ulo ni Cesar kesa kalmado ito. Pero tiniis iyon ni Sunshine dahil baka dahil lang sa upbringing ni Cesar kaya siya may temper at mahal na mahal din niya ito. Aminado naman daw si Sunshine na ramdam niya ang pagmamahal ni Cesar sa kanya. Kahit sa kabila ng reputasyon nito na isang babaero ay buong inakala ng aktres na siya na ang makapagbabago ni Cesar. 

Credit Photo:manilatimes.com


Ikinasal sila noong September 14, 2000 sa beach side ng Manila Bay. Noong 2013 ay tuluyan na niyang iniwan si Cesar at 2018 ay nag-desisyon na ang korte sa annulment nila. Inamin din ng aktres na ilang beses na rin siyang nag-alsa balutan, umuuwi sa parents niya at umiiyak. Tulad noong December 2007 kasagsagan ng paako ay umuwi si Sunshine sa parents niya dahil sa isyu ni Cesar sa Brazilian model na si Mariana del Rio, 16. Subalit sinusundo kinaumagahan ni Cesar ang ex-wife at kinakausap ang magulang nito. 

Credit Photo:ph.news.yahoo.com


Hanggang sa tuluyan na nga niyang iniwan si Cesar dahil sa isyu sa kanyang leading lady sa pelikula na si Krista Miller. 

Nasa puder ng aktress ang tatlong anak nito kasama ang bagong karelasyon na si Macky Mathay.