Kuya Kim lumipat na bilang Kapuso

Kuya Kim lumipat na bilang Kapuso

“A time came in my life wherein i wanted to grow and to explore. I felt like i was already semi-retired. I felt like if i stayed on, i will retire as a weatherman”. panayam ng GMA News Online kay Kuy Kim Atienza. 


Nagtapos na nga ang 17 taon bilang kapamilya ni Alejandro Ilagan Atienza o mas kilala bilang Kuya Kim.

Noong September 28, 2021 ay kinunan ang OBB (Opening break bumper) Martes ng alas 9 ng umaga sa lobby ng GMA 7 ang bagong programa ni Kuya Kim sa kapuso network.

Samantala, September 29, 2021 ay naglabas ng teaser ang GMA sa parating na bagong kapuso. Kahit naka-blurred ay halatang si Kuya Kim ang pinahihiwatig. 

Credit Photo:philstar.com


Nagtapos na nga ang 17 taon bilang kapamilya ni Alejandro Ilagan Atienza o mas kilala bilang Kuya Kim. Noong September 28, 2021 ay kinunan ang OBB (Opening break bumper) Martes ng alas 9 ng umaga sa lobby ng GMA 7 ang bagong programa ni Kuya Kim sa kapuso network. Samantala, September 29, 2021 ay naglabas ng teaser ang GMA sa parating na bagong kapuso. Kahit naka-blurred ay halatang si Kuya Kim ang pinahihiwatig. 

Credit Photo:inquirer.net

Mapapanood na sa “24 Oras” ngayong Oktubre si Kuya Kim. Makakasama din siya sa “Mars Pa More” at magkakaroon din siya ng daily show trivia na “Dapat Alam Mo”. Ilan lang yan sa mga programa ni Kuya Kim sa GMA. Hindi na rin bago si Kuya Kim sa GMA dahil naging boses siya ni Steve Armstrong sa animated series na Voltez 5 noong 1999. 

Oktubre 1, 2021 ang huling labas ni Kuya Kim sa TV Patrol kong saan ay naging emosyonal siya sa pamamaalam niya sa mga kasamahan sa ABS-CBN. Heto ang mga show ni Kuya Kim sa kapamilya network:

Umagang Kay Ganda (2007-2009)

TV Patrol (2005-2021)

Entertainment Live (2008-2012)

Matang Lawin (2008-2020)

It’s Showtime (2009-2020)

Sakto (2018-2020) DZMM radio show

Lumabas na rin siya sa ilang pelikula tulad ng, “Saan Nagtatago si Happiness” (2006), “Astig” (2009), “Wapakman” (2009), “Here Comes the Bride” (2010) at “Shake Rattle & Roll 15” (2014).

Credit Photo:kuya kim/facebook


Marami man ang nalungkot ngunit ang mahalaga ay nariyan  ang ating Kuya Kim na naghahatid ng importanteng kaalaman. Ayon nga ni Kuya Kim, “Ang buhay ay weather-weather lang”