Ofw at kanyang amo kinagigiliwan ng netizens ang kanilang usapan

Ofw at kanyang amo kinagigiliwan ng netizens ang kanilang usapan

Isa ang pagiging ofw ang hanap-buhay ng mga pilipino. Halos lahat na yata ng bansa ay may pilipino. Hindi rin madali ang pagiging ofw dahil lungkot at pangungulila ang pangunahing kalaban nila.

Pero may iba din na napupunta sa malulupit na amo. Noon pa man ay marami ng ofw ang umuwing bugbug, na abuso at mas malala ay nasa loob na ng kabaong nang maiuwi sa Pilipinas. 

Subalit may mga ofw din naman na sinuswerte dahil sa mabait na amo. Katulad na lang ni Valleryn Caranza Landong isang ofw sa bansang Malaysia.

Labis na kinagigiliwan ng netizens ang messages nila sa phone. Nasa larawan ang nakakatuwang usapan nila ng kanyang amo. 

Credit Photo:Valleryn Caranza Landong


Noong 2019 pa naging viral ang post ni Valleryn ngunit hanggang sa ngayon ay di pa rin mapigil na matawa kong sino man ang nakakabasa nito. Kahit tinaguriang english speaking region ang Pilipinas ay alam naman natin na may nagno-nosebleed pa rin na kababayan natin pagdating sa lingwaheng english.

Ganun din naman ang Malaysia na kong tawagin ng ilan ay barok sa pagsasalita ng english.

Credit Photo:Valleryn Caranza Landong

Gayunpaman, kahit nakakatawa pero naiintindihan pa rin natin kong ano ang nais iparating ng amo ni Valleryn. Kahit silang dalawa ay nagkakaintindihan. Sa katunayan hindi mo naman kailangan maging perpekto sa wikang english upang maintindihan ka. Kahit nga sa mga foreigner ay balewala sa kanila ang wrong grammar as long as nakukuha nila ang thought sa nais mong sabihin ay okay lang sa kanila. 

Credit Photo:Valleryn Caranza Landong

Maraming pinoy netizen ang natawa dahil 

marami din naman sa atin ang ganoon din magsalita ng english. Pero napakaswerte ni Valleryn sa kanyang amo dahil magkasundo sila. Sana ganito lahat ang relasyon ng ofw at amo. Ano na lang kaya ang sandali kapag harapan na silang mag-uusap ng english. Nakakatuwa!