Manuel: Walang pambili ng Tsinelas, Hirap sa Buhay ngunit marunong Magbigay

Manuel: Walang pambili ng Tsinelas, Hirap sa Buhay ngunit marunong Magbigay

“Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan.” Isang linya na nooy naririnig na natin, maraming balita ang napapanood tungkol sa mga kabataang nagkakagulo, nalulong sa bisyo at kong ano pa. 

Gayunpaman, may mga kabataan pa din na likas ang kabutihang loob. Katulad na lamang sa isang bata na si Manuel. Naging v1ral ang post ng isang guro na si Ryan James Duenas dahil sa batang si Manuel na nagbigay sa kanya ng prutas. 

Credit Photo:Ryan James Duenas/facebook


Nang mag-uumpisa na ang kanyang klase ay napansin nya si Manuel na walang tsinelas at tila may tinitignan sa bag nito at di mapakali. Napansin ito ng guro kaya nilapitan nya ito.

Agad naman inabot sa guro ng bata ang dala nitong saging sa kanyang guro. Dahil dito ay naantig ang damdamin ng guro. Sa kabila ng kasalatan sa buhay ng bata ay nakuha pa nito na magbigay.

Nagpapasalamat din sya sa mga magulang ng bata. Wala man itong pambili ng tsinela ay nakuha pa niya na magbigay sa kapwa. 

Umani ng paghanga mula sa mga netizen ang mga larawan at kwento ng guro. Nakakapanlambot at nakahabag ng damdamin ang sitwasyon ng bata. May mga netizen din na nagnais tumulong sa bata. 

Credit Photo:Ryan James Duenas/facebook 


Sa kagandahang loob ay nagbibigay inspirasyon sa atin lalo na sa mga iba pang kabataan. Labis din ang paghanga ng guro sa mga magulang ni Manuel dahil sa pagtuturo ng magandang asal para sa kanilang anak. 

Sana ay mabigyan ng tulong si Manuel. Ang mga katulad nya ay dapat suportahan dahil nakikita naman ang pagtatyaga ng bata sa pag-aaral kahit wala man itong tsinelas na gamit. 

Credit Photo:Ryan James Duenas/facebook 


Magbigay aral din sana sa atin lahat ang kabusilakan ng batang ito. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin sa pagsusumikap ni Manuel na harapin ang kahirapan at ang pag papatuloy sa pag-aaral.