Vlogger tinulungan ang batang may Kapansanan

Vlogger tinulungan ang batang may Kapansanan

Uso talaga ngayon ang paggawa ng vlog. Tinatawag ang mga ito na vlogger, kong saan malaya sila na gumawa ng content basta naaayon ito sa alituntunin ng public viewing. Pinakasikat ay ang YouTube vlogging. Magandang dulot nito ay nakakapagbigay impormasyon ang mga vlogger na hindi nababalita sa mga mainstream media. 

Isa na nga rito ang vlogger na si Virgelyncares. Ang isang content nya kamakailan ay nagpaantig sa puso ng mga netizen. Ibinahagi ng vlogger ang isang kwento ng bata na walang mga kamay at paa. 

Credit Photo:Virgelyncares 2.0/facebook


Ipinakilala ni Virgelyncares si Franklin sa atin. Nasa 10 taong gulang pa lamang ngunit hindi biro ang pamumuhay nito. Naabutan ng vlogger na nasa kakahuyan ang batang si Franklin habang nangunguha ng panggatong. May mga sugat pa, ngunit ayun dito ay hinahayaan na lamang nya dahil kusa din naman na gagaling ito. Dahil na nasilayan ng vlogger ay nag alala ito at halos mapaiyak na baka maimpeksyon pa ang mga sugat. 


Credit Photo:Virgelyncares 2.0/facebook


Dagdag pa ay nakapanayam pa nya ang ina ng bata. Nagtitinda ng isda at kakanin ang nanay nya na ang kita ay sapat lang sa pang-araw-araw. Ayun pa sa ginang, mahal na mahal nya ang mga anak nya at ni hindi nya ito sinasabihan ng masasakit na salita. 

Dahil sa sitwasyon ng bata ay nais itong tulungan ng vlogger. Nagbigay sya ng 5,000 peso upang mapagamot ang sugat ng bata. Nagdagdag pa sya ng 2,000 pesos nung nasa palengke na sila upang pambili ng ulam at bigas. 

Credit Photo:Virgelyncares 2.0./facebook


Maraming netizen at nag nais na marami pang matulungan si Virgelyncares. Sa dami ng mga vlogger ngayon na may iba’t-ibang content na kadalasa’y nagbibigay saya at patawa sa mga viewers, subalit ang isang ito ay mas naging makahulugan. Sana mabigyan pansin ng kinauukulan ang mga sitwasyon na kagaya nito.