80 anyos nagtapos ng Junior High

80 anyos nagtapos ng Junior High

Marami sa atin ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil sa kahirapan ng buhay, o sadyang tamad lang mag-aral. Kong ano pa man ang dahilan ay hindi ito naging hadlang para sa isang lolo na nakapagtapos ng junior high kahit nasa 80 anyos na. 

Kinatuwa ng mga netizen ang isang lolo na si Teofilo Bonites Sr. Dahil sya ay nagsumikap upang matapos nya ang junior high kahit sya pa ay nasa 80 anyos na. 

Credit Photo:Chona Recto/facebook


Isa sa mga programa ng Department of Education ay ang Alternative Learning System (ALS). Dito sumailalim si lolo upang matapos  ang junior high school. Ang ALS ay isang programa upang mabigyan ng edukasyon sa maikling panahon ang mga nais mag aral ngunit nalipasan na ng panahon. 

Kahit nasa online class ay nagsipag si lolo  na matutunan ang mga aralin. Dahil bawal pa ang face-to-face lesson ay nakakamangha ang determinasyon ni lolo at nag graduate pa bilang 2nd honor. 

Naging newspaper boy  dati si lolo Teofilo at naging pangarap nya ang maging journalist. Kahit masasabi na lumipas na ang kanyang kabatan ay di pa rin sya bumitaw sa pangarap nya. Balak pa nga nya na tapusin ang senior high upang makapasok na sya sa kolehiyo. 

Credit Photo:Chona Recto/facebook

Nakakabilib naman talaga si lolo sa tibay ng determinasyon nya. Kong ang iba ay tila binalewala lamang ang pag-aaral, ay ibahin natin ang 80 anyos na ito. Sadyang walang edad na basehan kung gustuhin makapagtapos ng pag-aaral. 

Nagpatuloy si lolo sa pangarap nya at sana ay magawa nya ito ng tuluyan. Magbigay aral din sana sa mga kabataan na pinapabayaan lamang ang edukasyon. Lalo na sa panahon ngayon na wala pang pisikal na pagkikita sa school. 

Credit Photo:Chona Recto/facebook

Ang pinakitang tatag ng loob ni lolo ay nagsilbing paalala sa atin na kahit sa pandemyang ito ay hindi tayo susuko.