Babae napaiyak dahil sa Signal

Babae napaiyak dahil sa Signal

Sa panahon ngayon ay napakadali na lang ng komunikasyon sa ibang tao kahit saan man ito sa mundo. Hindi kagaya ng dati na aabutin pa ng isang buwan o higit pa ang mensahe natin para sa taong nasa malayo. 

Sa teknolohiya ngayon, may load man o wala ay nandyan ang smartphone upang bigyan daan ang ugnayan ng mga tao. Sa napakadaling paraan. 

Subalit alam din natin na hindi sa lahat ng lugar ay madali ang komunikasyon. Kagaya na lamang sa post ni Ronald Ancero Casil, may isang babae na naging emosyonal ng makakuha ng signal at nakausap ang pamilya mula pa sa malayong lugar. 

Credit Photo:Ronald Ancero Casil/facebook

Doon sa Catungawan, Guindulman, Bohol ay pahirapan pa rin ang signal sa lugar. Kaya abot-langit ang saya ng babae nang makasagap na ito ng signal.

Kahit nakapatong pa sya sa malaking bato at napaka-init pa sa bundok dahil sa araw ay hindi nya iyon alintana. Batid sa mukha ng babae ang iyak dahil sa saya. Sa iba na normal lang ang cellphone signal ngunit sa babaeng ito ay napakahalaga ang sandaling makausap ang pamilya. 

Credit Photo:Ronald Ancero Casil/facebook 


Makikita dito ang kahalagahan ng komunikasyon sa pamilya. Maswerte ang iba na nasa tabi lang ang buong pamilya. O di kaya ay malakas ang signal sa bawat lugar ng bawat kasapi.

Ang iba naman ay may kasama pang dasal makasagap lamang ng signal. Matatandaan natin ang sitwasyon ng babae noong hindi pa ganito ka hitech ang cellphone signal. May umaakyat pa sa bobong o kahit sa mga puno makasagap lamang ng signal. 

Credit Photo:Ronald Ancero Casil/facebook 

Kaya dapat nating pahalagahan ang mga sandali na nasa malapit lang ang ating kapamilya. Dahil higit sa iilan ay nabigyan tayo ng pagkakataon na komonekta sa malayo nating mahal sa buhay. At hiling ng babae na sana malagyan na ng cellsite tower ang kanilang lugar.