Kuryente mula sa DIY generator

Kuryente mula sa DIY generator


Napakalaking tulong talaga sa atin ang pagkakaroon ng ilaw mula sa kuryente. Halos lahat na ng tao sa mundo ay umaasa na sa kuryente. Mula sa ating bahay, negosyo, gusali at kahit saan man ay nangangailangan ng kuryente. 

Subalit paano na lang kaya kong walang ilaw ang isang bahay. Magtitiis na lamang ba sa lampara? Aminin natin na mas madali ang buhay kapag may ilaw ang bahay. Mula sa mahabang panahon ng pagtitiis ng walang ilaw sa bahay ay nakaimbento si Ronald “Butch” Rentino ng isang diy hydroelectric generator. 

Credit Photo: Ronald Butch Rentino/facebook

Sa Sitio Kaybatang, Magara, Roxas, Palawan na si Butch ang nakaimbento ng generator mula sa mga patapon na bagay, gaya ng mga bote ng oil at lumang washing machine. Ang hydroelectric generator ay nakakonekta sa tubig sapa at nakabuo ito ng kuryente na nakakapagpailaw ng sampong bombilya. At maaari pang makapagbigay ng 220 volts kong may inverter. 

Naisipan nyang gumawa dahil sa kanyang bayaw na walang kuryente. Tanging lampara lang ang gamit ng mga bata sa tuwing nag-aaral ang mga ito. 

Bata pa lang daw itong si Butch ay mahilig na sya magbutingting. Lalo pa syang naging mahusay dahil sa electronics subject nya noong high school. 

Credit Photo: Ronald Butch Rentino/facebook

Sa katunayan ay may naimbento na sya dati, gaya ng Go cart na gawa sa sirang wheel chair at remote control na plastik na eroplano gawa naman sa styrofoam. Ipinakita rin sa facebook video ni Butch kong paani gumagana ang kanyang imbensyon. Napapa wow na lamang ang mga netizen sa kanyang likha. 

Credit Photo: Ronald Butch Rentino/facebook

Isa na naman itong patunay sa talento ng mga pinoy sa larangan ng siyensya. Ang kakulangan ng kuryente sa kanilang lugar ay magkakaroon na ng solusyon. Isang imbensyon na napakalaking tulong ang naibigay at kong mapapalago ito ni Butch ay tiyak na kaginhawaan na nagmula sa patapong bagay.