Kakaibang Graduation rites ng Antique-kalabaw ang gamit para sa kanilang house-house Graduation

Kakaibang Graduation rites ng Antique-kalabaw ang gamit para sa kanilang house-house Graduation

Ang edukasyon lamang ang tanging pamana na hindi nananakaw ng sinuman. Isa sa pinakamasayang pangyayari ang ng isang estudyante ang makapagtapos at maka graduate sa pag-aaral.

Ito ay panimula sa panibagong buhay at matagumpay na kinabukasan. 

Gagawa talaga ng paraan ang mga pinoy upang maisakatuparan lamang ang nais nito. Katulad na lang sa Lawigan Elementary School ng Tobias Fornier, Antique.

Hindi naging hadlang ang pandemyang dulot ng covid-19 upang maisagawa ang graduation ceremony ng mga estudyante. Dahil bawal ang pagtitipon at paglabas ng mga bata ay nag house to house ang mga guro para sa seremonya. 

Credit Photo:Rosalina Serguino/facebook


Gamit ang balsa at kalabaw na may palamuti at kahit maputik ang kalsada ay naisakatuparan ang graduation ceremony. Hindi man ito ang nakasanayan natin gunit gumawa talaga ang paaralan sa hangaring ito. 

Umani ng pagsaludo mula sa mga netizen ang mga guro ng Lawigan Elementary School matapos mai post ng isang guro na si Rosalina Serguino sa social media ang kakaibang seremonya. 

Credit Photo:Rosalina Serguino/facebook


Nagawa nila ang simple at payak na entabladong hila-hila ng isang kalabaw. Sa tulong na rin ng mga guro, prinsipal, supervisors at mga magulang ay nangyari din kahit sa hindi man sa normal na paraan ang seremonya. 

Inspirasyon at paghanga sa mga gurong nagsumikap upang maihatid ang kaalaman sa kanilang mga estudyante sa kabila ng new normal na sitwasyon. May iba-t ibang paraan ang pagpapatuloy ng edukasyon gaya ng modular system at online class system. 

Credit Photo:Rosalina Serguino/facebook 

Nasa mahigit isang taon na ang napakalaking pagbabago ng sistemang edukasyon sa buong mundo nang lumaganap ang pandemya. Ngunit sa kabila nito ay patuloy sa pagsusumikap ang awtoridad sa pagsusulong ng edukasyon sa ating bansa. 

Kaya sa mga guro at namamahala ng Lawigan Elementary School at sa iba pang mga guro ay saludo po kami sa pagbibigay edukasyon sa ating mga kabataan. 

For more Updates, Please follow our Page..