Pulis Tarlac nagbigay tulong sa isang Lolo

Pulis Tarlac nagbigay tulong sa isang Lolo

Halos dalawang taon nang nararanasan ng buong mundo ang pandemya dulot ng Covid-19. Bilang tugon ng gobyerno ay nagbigay ito ng ayuda para sa mga mahihirap nating kababayan at ito nga ang SAP o Social Amelioration Program. 

Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi lahat na mahihirap ang napagkalooban nito. Samo’t-saring dahilan na tiyak ang politikong humahawak ng SAP ang nakakaalam. 

Sa Tarlac, may isang pulis na  napag-alaman nya na may isang matanda na hindi nakatanggap ng ayuda. Agad pinuntahan ni patrol man Mark Ramirez ang matanda at binigyan nya ito ng tulong.

Credit Photo: filipinoclip.com


 Ang simpleng pagtulong ng pulis ay nauwi sa emosyonal na tagpo. Di lubos maisip ni  Ramirez ang katayuan sa buhay ni lolo. Napayakap na lamang sya sa matanda nang magtagpo ang kanilang landas. 

Sa sahod nitong sapat lamang at may loan pang binabayaran ay nagawa pa nitong tumulong sa iba. Isa na namang magandang halimbawa ang ipinakita ng isang pulis, lalo na sa kapwa nya pulis. Kong sa posisyon nya ay nagawa pa nitong magbigay tulong, ano pa kaya ang nasa mas mataas na posisyon? 

Credit Photo: filipinoclip.com

Hindi lingid sa atin ang mga nangyayari sa ayuda lalo na sa SAP. Nagpursige ang presidente ng bansa na maibahagi sa nararapat ang SAP subalit may mga isyu na nababalita ang sa hindi wastong pag babahagi ng ayuda. 

Mabuti na lang kahit papaano ay may isang katulad ni Ramirez na mabuti ang kalooban. Maraming netizen na naman ang natuwa sa nagawa ng isang pulis. Mapapasaan ba ay masusuklian rin ang kabutihang nagawa niya. 

Credit Photo: filipinoclip.com

Sana marami pa ang kagaya ng pulis Tarlac na ito, na kahitsa kabila ng pandemya ay naiisip pa rin na magbigay tulong sa kapwa. Tiyak na napasaya at lubos ang pasasalamat ni lolo sa natanggap na ayuda nito na nagmula pa sa isang pulis.