Isang Benguet Police Corporal Nimfa Camis na naging Baby Sitter

Isang Benguet Police Corporal Nimfa Camis na naging Baby Sitter

Napakaganda naman ng kalooban ng isang police woman na si Police Corporal Nifa Camis. Dahil sa pagbabantay nya ng isang sanggol. Kahit sa gitna ng kanyang tungkulin bilang alagad ng batas. 

Ayun sa ulat ng GMA News, nakita umano ng pulis ang isang babaeng namamalengke habang bitbit ang kanyang sanggol. Nilapitan at kinausap ng pulis ang babae dahil sa panahon ngayon ng pandemya ay bawal pa lumabas ang mga bata lalo na at sanggol pa ito. 

Ipinaliwanang naman ng babae ang kalagayan nito. Imbes na pauwiin ng pulis ay binantayan na lamang nya ang sanggol habang namamalengke ang ina nito. 

 KABAYAN MPS/FACEBOOK 

Nag-viral sa online ang larawan, makikita na karga-karga ng pulis ang sanggol at maraming netizen ang natuwa sa ginawa ng babaeng pulis. Nakatanggap ng magagandang komento, pa puri at galak ang awtoridad na si Nimfa. 

Si Police Corporal Camis ay kasalukuyang nagbabantay ng mga customer sa Tiongsan rolling store at dito nya nasilayan ang babaeng may sanggol. 

 KABAYAN MPS/FACEBOOK 

Sa panahon ngayon ay mahigpit na ipinagbabawal talaga ang mga bata na lumabas ng bahay. Subalit sadya talaga na may sitwasyon na kagaya nito. Nakakatuwa naman na naiintindihan ng pulis ang paliwanag ng babae. Ang simpleng pag-intindi sa sitwasyon ay lubos na nakapagbigay tulong sa kapwa. 

 KABAYAN MPS/FACEBOOK 

Bilang alagad ng batas alam natin na sila ang tagapamayapa. Hindi rin naman madali ang inakong responsibilidad ng pulis kahit panandalian lamang. Sana magbigay ng halimbawa at inspirasyon sa iba pang kapulisan ang nagawa ni Nimfa. Ang ilan kasi ay sobrang higpit at nakakatakot na kong umasta. 

At malagay din sana sa isipan ng lahat na ang kapulisan ay hindi dapat katakutan, kundi nirerespeto at ginagalang sila. Saludo kami sayo Police Corporal Nimfa Camis ng Benguet. Sana dumami pa ang kagaya mona malawak ang pag-intindi. Mabuhay ka!.