Sa Nueva Ecija, pera na naging panggatong pa

Sa Nueva Ecija, pera na naging panggatong pa

Normal na sa mga tao ang pag-iipon ng pera upang may magamit sa darating na pangangailangan o di kaya ay sa isang plano para sa kinabukasan. 

Nag-viral kamakailan ang fb post ni Sarahlie Gahis De Guzman. Tungkol ito sa perang papel na naipon ng kanyang lola na si Honorata Gahis ng Brgy. San Juan, Laur, Nueva Ecija at nasa mahigit 14 thousand pesos. 

Ayon pa kay Sarahlie, naipon ito ng kanyang lola mula sa pensyon ng namayapang asawa na isang sundalo. Nasa 95 anyos na si lola Honorata. Matapos daw nitong magsaing ay nagpa init ito ng tubig at aksidenteng nahulog ang pitaka ng matanda sa apoy. 

Credit Photo:Sarahlie Gahis De Guzman facebook

Inilapit ni Sarahlie sa broadcaster-tv host Jessica Soho upang makahingi ng tulong sa Bangko Sentral ng Pilipinas. May mga netizen na agarang nagbigay ng suhestyon at payo kay Sarahlie kaugnay sa pangyayari at sa nais nitong mapalitan ang pera. 

Sa ulat ng GMA News, na ayon kay Gomer Gomez isang senior research specialist ng Bangko Sentral ng Pilipinas Dagupan City branch, ay maaaring mapalitan ang pera kapag ito ay 60 porsyento pa ang kabuuan, may pirma at security thread pa ito. 

Credit Photo:Sarahlie Gahis De Guzman facebook


Ibinalita naman sa fb page ng Serbisyong Matapat para sa Novo Ecijano na napalitan na ang mahigit 14 thousand pesos sa pamamagitan ni Governor Oyie Matias-Umali. 

Credit Photo:Sarahlie Gahis De Guzman facebook

Lubos ang pasasalamat ni lola dahil napalitan na ang nasunog na pera. Nagpayo ang netizen para kay lola. Dahil sa katandaan nito ay mas mabuting alalayan ito sa lahat ng kanyang nais gawin. Hindi na rin kasi biro ang edad ni lola, kaya kailangan talaga nya ng gabay mula sa kapamilya. 

Mabuti na lang ay hindi tuluyang natupok at hindi naging abo lahat ang pera ni lola at di naman nagtagal ay napalitan din agad ang mga ito.