Isang Lubid bilang Tulay tawiran sa Oriental Mindoro

Isang Lubid bilang Tulay tawiran sa Oriental Mindoro

Ang mga Pilipino ay likas na maparaan talaga. Magaling dumiskarte upang maitawid ang
pang-araw-araw na buhay.

Kagaya na lamang sa isang lugar ng Bongabong, Oriental
Mindoro na animo’y nagsisirkus sa pagtawid ng ilog.


Mula sa video upload ng Sirbisu Channel ipinakita dito ang pagtawid ng isang babae habang
bitbit pa ang isang bata.

Credit Photo: Sirbisu Channel

Tumatawid ang isang babae sa lubid habang nakahawak naman sa
sa isa pang lubid na nasa itaas habang nasa baby carrier ang isang bata.

Tila sanay na sanay na ang babae sa pagtawid ng ilog sa pamamagitan sa paglakad niya sa lubid. Marahil nakakatuwa panoorin subalit lubhang mapanganib ang nakasanayan ng babae at ng mga residente ng Bongabong ang gawaing ito. 

Kong unang beses mong makita ang eksenang ito ay tiyak na mapapahiyaw ka. Nasa video din ang pagsunod ng lalaki sa pagtawid ng ilog. Sa ilang minutong pagtawid ay tila mapapadali rin ang buhay mo kapag nahulog ka sa ilog.

Nababahala at meron din naman ilang netizen na natutuwa sa video. Ngunit ang kaligtasan pa rin ang nakasalalay dito. Sana mapansin ng gobyerno ang kahirapan sa pagtawid sa ilog ng mga residente. At maibigay sa kanila ang agarang paggawa ng tamang tulay sa ilog. 

Credit Photo: Sirbisu Channel

Maraming proyekto ang infrastructure ang pamahalaan sa iba’t-ibang dako ng bansa. Sana mapaglaanan din ito ng budget upang maging maayos ang tawiran ng mga taga Bongabong.

Credit Photo: Sirbisu Channel

Pero sa kabila ng lahat ay nakakabilib ang tibay ng loob ng mga residente dito. Gagawin ang kahit napaka delikadong paraan upang makatawid lamang sa kahirapan ng sitwasyon. 

Sana magising sa katotohanan di lamang sa nakakatuwang sitwasyong ngunit pati na rin sa nakaambang panganib ng mga residente dito ang nasa pamahalaan. Gayunpaman, ay umaasa ang mga residente na isang araw ay maging maayos na ang tulay na lubid.