Pinakasalan ni Mario ang isang Babae sa kabila ng Kapansanan nito

Pinakasalan ni Mario ang isang Babae sa kabila ng Kapansanan nito

Ang tunay na pag-ibig ay hindi masusukat sa anumang katayuan ng isang nilalang. Sabi nga, kusa mo itong maramdaman at walang bahid ng panghuhusga.

Ito ang nangyari sa magkasintahang Mario at Rosie ng Cebu. Noong una ay naging magtextmate ang dalawa. Sabi ni Mario naging tapat daw si Rosie sa kanyang kalagayan na mayroong kapansanan. At dahil sa pagiging totoo nito ay nahulog ang puso ni Mario sa kanya.


Credit Photo: www.filipinoclips.com

Naging viral sa social media ang kwento ng mag-asawa. Dahil sa kabila ng kapansanan ni Rosie ay pinakasalan pa rin sya ni Mario. Naganap ang kasalan noong October 6, 2020 sa Sto. Niño Parish, brgy Paknaan, Cebu City.

Makikita sa hitsura ni Rosie ang galak at saya. At pinili pa na maglakad patungo sa altar para naman daw maranasan nya ang pagiging bride. Pagkatapos ng kasal ay inakay naman sya ng kanyang mister palabas ng simbahan.

Ilan na lang kaya ang kagaya ni Mario na hindi tumitingin sa katayuan ng isang tao? Nagbigay bati naman ang mga netizen sa dalawa. Pangarap pa nila Rosie at Mario na magkaroon ng mga anak. Siguradong masaya at mapagmahal ang magiging pamilya ng dalawa.


Credit Photo: www.filipinoclips.com

Sa kabila ng modernong panahon. Isang patunay ang pag-iibigan nina Mario at Rosie na hindi hadlang ang kapansanan. Nakakatuwa at nakakapagbigay inspirasyon at pag-asa sa mga single dyan ang kwento ng dalawa. Mapa saan ba ay meron talagang kapareha ang bawat isa. Maging totoo lang sana sa larangan ng pag-ibig.


Credit Photo: www.filipinoclips.com

Sa panahon ngayon na madali na ang komunikasyon sa ibang tao, maraming paraan din upang makontak ang bawat isa. Sana panatilihin pa rin ang totoo at wagas na pag-ibig. Saludo ang netizen kay Mario dahil sa kagandahang loob at ang pagpaalala sa atin kong ano’t paano ang pagmamahal ng totoo.