Nanood, Nagkabahay mula sa Pag-iipon.

Nanood, Nagkabahay mula sa Pag-iipon.

Isa yata sa mahirap gawin ay ang pag-iipon. Sa kakarampot na kinikita mula sa pagtatrabaho ay tila sapat lamang sa pang-araw-araw na gastusin. 

Ang iba ay nag-iipon sa bangko at ang iba naman ay sa karton ng sapatos.

Opo, sa karton ng sapatos. Naging viral sa social media ang kwento ng isang housewife na nakapag-ipon ng pera para sa pagpapagawa ng second floor ng kanilang bahay.

Si Kember Flores Casabuena ay nag umpisang mag-ipon mula sa kinikita ng kanyang asawa na si Alphie Castante Olvis bilang isang construction worker. 

Credit Photo: Kember Flores Casabuena facebook account 

Paunti-unti lamang ang kanilang pag-iipon at nilagay lamang sa isang karton ng sapatos.

At nang kalaunan ay inilipat na nila ito sa isang malaking balde dahil hindi na nagkasya sa karton. 

Nakuha daw ni Kember ang ideyang pag-iipon noong napanood nya ang isang episode na “ipon challenge” ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ng GMA Network.

Hindi na nga nila halos namalayan na dumami na pala ang kanilang ipon. Karamihan dito ay nasa 50peso bill at may iilang 500peso at 1000peso bill.

Naging inspirasyon ni Kember ang panonood sa episode na iyon. At baka may iilan o marami din ang gagawa sa ginawa ni Kember. 

Credit Photo: Kember Flores Casabuena facebook account 

Tunay nga na hindi sa laki o liit ang kinikita ang batayan upang maka pag-ipon at makamit ang pangarap na bagay. Kong ang langgam nga ay napakaliit subalit kilala ito sa katangiang masinop at matiyaga sa pag-iipon ng pagkain. 

Maituturing na isa itong malaking biyaya at kapalit ng pagiging matiyaga sa kabila ng kahirapan sa buhay.

Maging mapagmasid din sana tayo paligid at sa panonood natin, hindi para mang-bash kundi gawing inspirasyon at i-apply sa sarili upang maging maunlad. 

Credit Photo: Kember Flores Casabuena facebook account 

Sana nawa’y pagyamanin at maipagpatuloy pa nila Kember at Alphie ang pagiging matiyaga at desiplinado sa lahat ng larangan ng  buhay.