Joy Mendoza ” Unang hakbang sa pag-hilom”

Joy Mendoza ” Unang hakbang sa pag-hilom”

Napakadaling bigkasin ng salitang “patawad” at minsan ang paghihingi ng patawad sa isang tao na nakagawan natin ng hindi maganda ay madali lang din. Subalit, hindi ganon kadali ang mag patawad lalo na sa taong ginawan ka ng hindi maganda o inapakan ang pagkatao mo. Hindi natin maiiwasan na magkaroon ng galit sa ating mga puso dahil sa isang bagay na hindi nangyari sa atin na hindi maganda, subalit may isang tao na piniling patawarin ang mga taong ginawan siya ng hindi maganda.

Sa Youtube channel ni Toni Gonzaga, siya ay nagkaroon ng panayam sa isang manunulat na si Joy Mendoza. Ayon kay Mendoza, noong 15 taong gulang siya, mayroong mga magn@nakaw na pumasok sa bahay nila at akala niya daw ay papatayin na siya, subalit hindi ito ang nangyari. ‘Di umano siya ay ginah@sa ng pitong lalaki. Oo, pitong lalaki na hindi niya kilala ang gumalaw sa kanya at siya mismo ay hindi alam kung ano na ng aba ang nangyayari.

“I didn’t know what to expect. I never had a boyfriend, never been kissed, never had s3x. I was 15. I was a virgin… The things that he did to me, it was really vile stuff.” – Mendoza

Photo from Toni Gonzaga Youtube

Napakapait ng dinanas ni Joy Mendoza at ng kanyang pamilya. Ngunit pinili niyang magpatawad dahil iyon daw ang unang hakbang sa kanyang paghilom. Ang pamilya nila ay piniling hindi magsampa ng kas0 at makalipas ang ilang taon, nahuli ang iba sa mga may sala. At sabi ni Joy, “So it’s like “justice was served…”

Photo from Toni Gonzaga Youtube

Sa buhay, hindi natin maiiwasan ang mga ganitong panyayari. Minsan, tayo ay tinatraidor ng ating mga kaibigan, minsan tayo ay sinisiraan at kung ano ano pa. Ngunit na sa sa ating ito kung paano natin tatanggapin ang mga tao sa paligid natin. Kung paano natin mapapatawad ang mga taong hindi mabuti sa atin. Ang pagpapatawad ay isang hakbang upang tayo ay makausad sa ating buhay, upang tayo ay maging Malaya sa lahat ng sakit at pighati ng nakaraan.