REYMART (10 years old)  “PATULOY NA MAG-AARARO PARA SA PAMILYA KO”

REYMART (10 years old) “PATULOY NA MAG-AARARO PARA SA PAMILYA KO”

Kapag narinig natin ang salitang “pag-aararo” o “nag-aararo”, ang pumapasok palagi sa isip natin na ang gumagawa nito ay ang mga matatanda na malakas at may malaking katawan dahil hindi nga naman ganon ka dali ang gawaaing ito.

Ngunit, sa isang bayan sa Sultan Kudarat, may isang bata na naghahanap buhay, nagsasaka, o nag-aararo para sa kanyang pamilya.

Mayo 23, 2021, inere sa KMJS ang kwento ni Reymart, sampung taong gulang. Si Reymart ay nag-aararo kasama ang kaniyang kabayo upang may pang tustos sa pamilya.

Photos from Jessica Soho Facebook page

Ayon sa bata, napapagod na daw siya ngunit kailangan niyang mag patuloy para sa pamilya.

Ang kasama ng batang si Reymart sa buhay ay ang kaniyang lolo at lola, ang kaniyang ina at ama ay malayo sa kanya. Bata pa lamang si Reymart ay tinuruan na siya ng kanyang lolo na sumakay ng kabayo at gumamit ng araro, hanggang sa dumating ang araw na siya na ang gumagawa nito.

Photo from Gma news Facebook page

Mahirap ang pinagdadaan ng batang si Reymart, sa murang edad, pagtatrabaho na ang nasa isip nya at hindi pag-lalaro.

Maraming bata parin sa Pilipinas ang tulad ni Reymart na imbis tumakbo at tumawa kasama ang ibang bata, pinipili nalang na mag banat ng buto para sa pamilya.

Sa buhay, tayo ay makakadanas ng mga pagsubok, maliit man o Malaki. At tulad ni Reymart, dapat patuloy natin na harap ito, dahil sa buhay lahat ng bagay o pagsubok ay kayang lagpasan.

Hindi man madali ang buhay, subukan parin nating tignan ito sa ibang perspectibo, baka lahat ng hirap na hinaharap mo sa ngayon ay makakatulong upang ikaw ay maging isang mabuting tao sa hinaharap.

Walang madaling bagay sa mundo, sa bata man o matanda pero nasa atin ito kung paano natin haharapin ito. Tulad ni Reymart, kahit sya ay nahihirapan sya ay umaasa parin na balang araw, lahat ng pinagdadaan nya ang matatapos rin.

For more Updates, Please follow our page