ISANG RIDER, NANGHINGI NG TULONG “SENTIMO MO, PARA SA HANGIN NG ANAK KO

ISANG RIDER, NANGHINGI NG TULONG “SENTIMO MO, PARA SA HANGIN NG ANAK KO

Walang magulang ang nais makita ang kanilang anak na naghihirap. Walang magulang ang kayang pabayaan ang kanilang anak lalo na kapag ito ay may matinding sakit.

Lahat ng bagay, kayang gawin ng kahit sinong ina at ama para lamang sa kanilang anak. Si Joseph Rapiz mula sa Quezon City ay isa sa mga magulang na pilit gumagapang para lamang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Si Joseph ay maroong anak na si Jamir, 12 taong gulang at mayroong focal structural epilepsy at cerebral palsy.

PHOTO from IWITNESS FACEBOOK PAGE

Normal na isinilang si Jamir ngunit nung siya ay tatlong buwang gulang, siya ay nagkaroon ng bacterial infection.

Siya ay nagkaroon ng Tuberculosis meningitis at tatlong araw na comatose, 12 na araw na sa ICU, at isang buwan nanatili sa hospital. Si Jamir hanggang ngayon ay hindi nakapagsasalita at isang kamay lamang ang kayang i-galaw. Siya ay nakakaranas din ng seizures, may butas na ang trachea at tiyan.

PHOTO from IWITNESS FACEBOOK PAGE

Si Jamir ay umaasa na lamang sa mga aparatu upang makahinga at dahil dito, kailangang kumayod ng mga magulang ni Jamir upang makabili ng oxygen tank. Ngunit hindi sapat ang kinikita ng kanyang ama sa pagiging raider kaya naisipan nilang humingi ng tulong sa facebook. Maraming tumulong sa kanila at sila ay naglalagay din ng mga lata sa iba’t-ibang lugar sa Manila upang kahit papaano, makaipon ng mga sentimo at barya upang may pambili ng pangangailangan. Kinokolekta ni Joseph ang mga lata na maylaman na barya. Ito ay kanyang hinuhugasan, isa-isang binibilang, at dinadala sa bangko upang papalitan.

PHOTO from IWITNESS FACEBOOK PAGE

Ang isang sentimo para sa pamilya nila Joseph ay napaka halaga dahil ito ang nagbibigay sa kanila ng suporta upang patuloy na mabili ang kailanan ng anak na si Jamir. Hindi madaling humingi o manlimos ng tulong sa ibang tao dahil minsan ikaw ay huhusgaan pa imbis na tulongan. Ngunit, hindi ito ang mahalaga kay Joseph at sa kanyang asawa, ang mahalaga ay ang patuloy nilang mabilhan ng hangin ang anak.

Walang magulang ang nais masaktan o mahirapan ang anak. Tulad nina Joseph, lahat ng magulang ay kayang manlimos ng sentimo, kayang tanggapin lahat ng panghuhusga para lamang sa minamahal na anak.

Para sa mga nais tumulong sa pamilya ni Jammier, narito ang kanilang mga detalye.Strong&Brave Jammier Miguel RapizGCash: Magdalena Rapiz | 09656840981FB Account: Magdalena Amosco RapizBDO Account: Jammier Miguel A. RapizBDO Account Number: 008710077931

For more Updates, Please follow our page.