Dalawang delivery driver, tinulongan ang padyak rider

Dalawang delivery driver, tinulongan ang padyak rider

Ang buhay minsan ay napakadaming pagsubok at sorpresa. Minsan, kapag tayo ay nasa gitna ng kahirapan, may mga taong tumutulong sa atin na hindi natin kilala.

Mga taong handang iaabot sa iba ang kamay upang matulongang bumangon ang kapwa na walang hinihingi or inaasahang kapalit.

Ang mga pinoy nga ay likas na matulongin. Kapag may nadaanang nanlilimos, binibigyan kahit limang piso lang. Kapag may nakitang matandang tumatawid, tinutulongan kaagad.

Image by Sasin Tipchai from Pixabay

Tayong mga Pilipino, walang pinipiling tulongan, bata, matanda, basta nangangailangan ng tulong. Tulad ng dalawang riders sa Cagayan, may mga taong handang umakay, umalalay sa iba kahit hindi ito kilala.

Sa video na kinuha ng isang netizen na si Alvin Gumobao, makikita na ang dalawang delivery riders na tinutulungan ang isang padyak or “tri-sikad” driver na makaakyat sa isang matarik na bahagi ng daan.

Courtesy of Alvin Gumobao

Ang ginawa ng mga rider ay tinulak ang padyak gamit ang kanilang paa habang nakasakay sa motor upang ‘di masyadong mahirapan ang driver ng padyak na umakyat sa daan.

Ang video ng dalawang rider ang nag viral sa facebook at maraming natuwa sa ginawang tulong nila.

Courtesy of Alvin Gumobao

Sa buhay na puno ng pagsubok, may mga tao paring pinipiling tumulong sa kapwa kahit sila mismo ay nahihirapan. Mayroon paring mga mabubuting nilalang na handang umakay sa kapwa upang ito ay umangat sa buhay.

Ang buhay ay puno ng pasakit at pighati, ngunit dahil sa mga taong hindi kilala na handang tumulong, ang lahat ng sakit at pighati ang nababawasan o nawawala.

Ang buhay ay napakaganda parin kahit gaano kahirap at iyon ay dahil sa mga taong tulad ng dalawang delivery rider.

For more Updates, Please follow our page.