VIRAL: LOLA, GINAWANG MODEL NG KANYANG MGA APO

VIRAL: LOLA, GINAWANG MODEL NG KANYANG MGA APO

Nag trending sa social media ang isang 94-anyos na lola na bumida sa photo shoot na ginawa ng mga apo para sa kaarawan niya.

Ayon sa kaniyang mga apo, si Lola mismo ang nag-ayos sa kanyang sarili at game na game daw ito pagdating sa photo shoot.

Si Lola Maria di umano ay mahilig magpapicture kasama ang kaniyang mga halaman. Naisipan ng kanyang mga apo na bigyan siya ng isang regalo na ispesyal sa kanyang kaarawan na ‘di niya malilimutan.


Lola na bumida sa photo shoot ng kanyang mga apo, nag-viral

Para sa kaniyang mga anak, apo, apo sa tuhod, si Lola Maria ay ang kanilang “Queen of all queens” dahil siya daw ang pondasyon sa kung sino sila sa ngayon.

Mahal na mahal ng kaniyang pamilya si Lola Maria at nais nilang ipakita ang kanilang pagmamahal sa kaniya, nais nilang mapasaya siya habang nandito pa ito sa mundo.

Sa buhay, walang permanente. Lahat ng dumadating, ay aalis din. Tulad ng isang kandila, sa paglipas ng panahon, ito ay mauupos din.

Lahat ng simula ay mayroong wakas. Na sa sa ating kung ano ang pipiliin, ang hintayin ang wakas na walang ginagawa o ibalewala ang wakas at pahalagahan ang kasalukuyan kasama ang minamahal.

Habang kasama pa natin ang ating mga magulang, lolo’t lola, kapatid, o kaibigan dapat ipakita at ipadama natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal dahil hindi natin alam kung hanggang kalian tayo magkasama sa mundong walang kasiguraduhan.

Hayaan na ang nakaraan, huwag munang isipin ang hinaharap, ituon ang pansin sa kasalukuyan upang sa ulihi ay walang pagsisihan.

FOR MORE UPDATES, PLEASE FOLLOW OUR PAGE