TAPAT NA TRICYCLE DRIVER, NAGSAULI NG 98,000 PESOS

TAPAT NA TRICYCLE DRIVER, NAGSAULI NG 98,000 PESOS

Sa panahon ngayon, importante talaga ang pera upang tayo ay may pangtustos sa ating pamilya. Kailangan natin ng pera upang makabili ng bigas, gatas, o sardinas.

Ang isang daang piso ay napakalaki na na halaga lalo na’t napakahirap ng buhay ngayon, ano pa kaya kapag ikaw ay makakita ng pera na nagkakahalaga ng 98,000 pesos.

Minsan lamang tayo makakita ng isang tao na tapat at handang magbalik ng pera na nakita kahit pa na siya mismo ay naghihirap na sa buhay.

Sa isang post na nag viral sa facebook, may isang tricycle driver na si Jobert Larisa na nakapulot ng pera na nagkakahalaga ng 98,000 sa kanyang tricycle.

Di umano, ito daw ay nahulog siguro ng isang hindi kilalang pasahero. Si Jobert ay ‘di nag alinlangang isauli ang pera sa awtoridad para maibalik ito sa totoong may-ari.

Likas na matapat si Jobert at ito ay hindi nagkaroon ng interes sa malaking pera na nakita niya.

Malimit na lamang ang mga taong tulad niya, nahandang ibalik ang nakitang gamit o pera kahit na siya ay mayroon ding pangangailangan sa buhay.

Si Jobert ay isa sa mga taong dapat bigyang pugay dahil sila ay matatapat at handang gumawa ng mabubuting bagay kahit na walang kapalit o premyo sa huli.

Kahit ganon ka importante ang pera sa ating mga buhay at kahit sobrang hirap kumayod upang maka uwi ng kaunting pera sa pamilya, ‘di ito ang dapat na maging dahilan upang tayo ay mang-akin ng hindi sa atin.

Ang isang matapat na tao ay maituturing na marangal at sila ang mga taong dapat pagkatiwalaan. Si Jobert ay maroong tapat na puso at dahil doon, siya ay mayroon ding tapat na gawa.