TRAFFIC ENFORCER SA VIRAL VIDEO, PINARANGALAN

TRAFFIC ENFORCER SA VIRAL VIDEO, PINARANGALAN

Sa ating mga trabaho, hindi nating maiiwasan na maymakaharap na mga pasaway o suplada.

Normal lamang ito, subalit hindi maganda sa pakiramdam na ikaw, bilang tao na nag hahanap buhay ay sakaktan o babastusin.

Kahit sino, ayaw o hindi gustong apakan ang pagkatao nila. Isang linggo na ang nakalipas noong nag viral ay bidyo ng isang traffic violator na sinasaktan at minumura ang isang traffic enforcer.

Si Marcus Anzures ay isang traffic enforcer sa Manila. Siya ay nagtatrabaho ng marangal para sa pamilya. Isang araw, mayroong isang traffic violator na naharang si Anzures, ang babae na driber ng sasakyan ay minura, sinigawan, sinuntok, at kinuwelyuhan nito ang traffic enforcer. Sa ganitong hindi nating maiiwasang kumalma, ngunit ito ay nagawa ni Anzures.

Siya ay kalmadong nakipag-usap sa babae at siya ay hindi lumaban, uminit ang ulo, at ‘di siya nagpadala sa kanyang emosyon. Ayong kay Mayor Isko Moreno, si Anzures ay isang magandang ehemplo na dapat tularan ng mga katrabaho.

Si Anzures ay kinilala ng kanilang Lokal na pamahalaan sa kanilang flag-raising ceremony at ito ay binigyan din ng cash reward.

Sa buhay, normal lamang na may mga taong sasaktan o babastusin tayo at nasasaatin ang disesyon kung ibabalik ba natin ang ginawa nila o hindi.

Minsan ang mga buting ginawa natin, tulad ng pagbabalewala o pag-intindi sa ibang tao ay mayroong magandang gantimpala na nakahintay sa huli.

Courtesy; Abs-cbn news

Lahat ng mga mabuting ginawa natin ay tiyak na babalik sa atin. Tulad ni Anzures, ang kabuhitan, katapatan, at pasensya na kaniyang ipinakita ay ibinalik din sa kanya.

Siya ay binagyan ng gantimpala, pagkilala, at higit sa lahat tiwala.

For more updates, Please follow our page